Chapter 2

38 8 0
                                    



Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ayaw kong malate. First day of school pa man din tapos malalate ako? No way, hindi ako papayag. Agad akong naligo at nagbihis at dahil wala pang uniform ay mag dress ako kahit na ganito ako maganda ang pangangatawan ko basta best describe sa sarili ko is dyosa and tanggap ko iyon so tama na ang pagdadrama at aalis na ako.

Paglabas ko ng bahay ay dumiretso na ako sa sakayan.Pagdating sa school ay tamang emote lang sa paglalakad tingin sa kaliwa tingin sa kanan hanggang sa may sumampal sa akin at alam ko na kung sino ito kaya tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Anong problema mo ha?" Galit na sabi ko

"Ikaw anong nakain mo at may pa emote emote ka pang nalalaman ha?" Natatawa niyang sabi.

Panira talaga ng moment 'to kahit kailan. Minsan na nga lang mag moment sisirain pa.

"Masama bang mag moment ako? First day of school syempre, namiss ko yung school natin"

"Ay may pa moment si mayora" Tumatawa niyang sabi.

"Tara na nga!" Inis na sabi ko.

Hinila ko siya at kinuha na ang schedule namin ni Yngrid.

"Patingin ng sched mo Kyn-Kyn." Ani Yngrid.

Binigay ko ito sa kanya at sumulyap sa mga estudyanteng papasok.

"Halos magka klase pala tayo sa lahat ng subjects Kyn, maganda yun para di na kita hinahanap pa."

"Tara na punta na tayo sa first subject natin" Aya ko sa kanya

"Tara." Naka ngiti niyang sabi.

Habang hinahanap namin ang classroom namin ay may naaninag ako na grupo ng mga lalaki na sobrang gwapo lalo na yung nasa harapan at ang hula ko ay yun si Aiken. Lumipat na pala siya ng school? Saka mag kaklase kami? Nabigla ako ng biglang nabaling sa'kin ang kanyang mga tingin kaya agad kong iniwas ang aking tingin.

"Kyn? Ayaw mo pa bang pumasok?" Ani Yngrid na ikinabigla ko.

Kanina pa pala siya naka pasok sa room namin kaya agad na rin akong pumasok at tumabi sa kanya. Pag-upo ko ay agad kong nakita ang grupo nila Aiken na papasok sa aming room. Shit! Napakamalas ko naman! Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon nalang ang atensyon ko kay Yngrid

"Balita ko classmate natin sila sa lahat maliban sa isa" Sabi ni Yngrid

"Seryoso ka ba?"

"Oo, na kwento sa'kin ni Siri"

"Ah ganun ba" Sabi ko nalang.

Pagkatapos nun ay dumating na ang aming Sir at nagpakilala lang siya at sinabi kung paano ang grading system. Habang nagsasalita si Sir ay hindi ako mapakali at agad naman itong napansin ni Yngrid.

"Ano ba Kyn-kyn para kang kiti kiti dyan! Ano bang nangyayari sayo?"Bulong niya

"Uhm wala,nangagati lang yung paa ko" Palusot ko

Agad namang umalis si Sir kaya nagkaroon ng pag-asa si Rid-rid na tanungin ako.

"Anong nangyayari sayo kanina ha?" Aniya

"Kasi naman nakatingin silang lahat sa akin, naiirita ako. Alam ko naman na pangit ako hindi na kailangan ipamukha pa sa'kin" Inis na sabi ko.

"Hayaan mo sila,wag mo silang pansinin" Aniya

Ginawa ko naman ang sinabi ni Yngrid at lumipas ang ilang oras ay lumabas muna kami para kumain. Bumuli kami ng pagkain at umupo muna sa canteen. Habang kumakain kami ay may nagsalita.

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now