Chapter 4

26 5 0
                                    


Nakatingin ako ngayon sa papalayong bulto ng lalaking nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Kinausap niya ako? Nginisihan niya ako? Myghad! What just happened? Teh nagkusa siya! Nilapitan niya ako para lang sabihan ng 'nice'. Teka para saan pala ang nice nayun? Pero shet na malupit, para akong nawala sa mundong ibabaw dahil lang sa nice na yun na hindi ko naman alam kung bakit niya ako sinabihan nun.



*BEEEEEEEEPPPP



Napatalon ako sa malakas na busina ni kuya sa harapan ko. Habol ang hininga na tinignan siya ng masama. Ganun na ba ka lalim ang iniisip ko at hindi ko napansin ang panget kong kuya? Hays.



"Kanina pa ako dito sa harap mo pero hindi mo naman ako pinapansin, saan na naman napunta yang katinuan mo at hindi mo man lang ako napansin dito?!" Inis na sabi ni kuya.



"Wala! Panget mo!" Sabi ko at pumasok na ng kotse.


"Hindi ako panget! Walang panget sa angkan natin." Asik naman niya.



"Sabi mo eh." Sabi ko nalang.



"Tsk. Pandak ka naman."Rinig ko pang bulong niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ako sa bintana. Wala akong oras para makipag-sagutan pa kay kuya dahil laman ng isip ko yung lalaki na yun na dahilan kung bakit abnormal ang tibok ng puso ko.



Fuck! It's just a simple word but my whole body reacted. What was that? What did he do to me? Fuck that smirk! Until we got home my mind was clouded by his smirk and the 'nice' word he just said earlier. I think I misinterpret his action. But fuck it! It just can't go away. Argh. I'm getting irritated right now!



Sinubukan kong libangin ang sarili ko para mawala siya sa isip ko. Pagkatapos kong mag shower ay bumaba muna ako para mag hapunan. Nakita ko na si kuya doon na kumain na. Grabe hindi man lang ako tinawag eh magkatapat lang naman kami ng kwarto. Patay gutom. Umupo ako sa may harap niya at nagsimula narin kumain.



"Hindi pa ba okay ang kompanya kuya?" Tanong ko.



"Hindi pa siguro, hindi pa natin sila nadadatnan eh." Simpleng sagot niya.



Pero ramdam ko yung lungkot, tampo at inis sa kanya. Kahit naman ako ramdam ko yun kaya hindi ko siya masisisi. Para kasing wala kaming magulang, lagi silang wala sa bahay, ni hindi man namin sila makasama sa hapag kainan. Makakasama man namin sila ng matagal pag pasko lang new year, minsan hindi pa nga eh. Naalala ko tuloy nung pasko ag new year na wala sila.



Masyang nagbabalot sila mama at papa ng mga regalo dahil magpa-pasko na. Kami naman niya ang naglalagay ng mga natatapos nilang balutin sa ilalalim ng Christmas tree.



"Mama sa 'min ba ni kuya lahat ng binabalot niyo?" Masayang tanong ko.



"Oo naman anak, kanino pa ba mapupunta ang mga ito kung hindi lang naman sa inyo hindi ba?" Sabi ni Mama.



"Wow, narinig mo yun kuya? Sa ating dalawa lang daw lahat yung mga regalo!" Sabi ko saka tumingin ulit kay Mama " Mama dapat mas madami akin" Sabi ko.



"Anong sayo ang madami? Akin ang madami kasi favorite ako ni Mama at Papa." Sabi naman ni kuya.



Tinignan ko naman ng masama si kuya. "Ako kaya ang favorite! Kaya dapat mas madami ang akin! Pangit mo!" Naainis na sabi ko.



"Hindi, akin ang madami." Parang pinal na sabi niya.



"Akin!" Inis na sabi ko.



"Akin nga!" Naiinis na rin na sabi niya



"Akin!" Ako



"Akin!" Kuya



"Akin" Ako



"Akin" Kuya



"Naku! Tigilan niyo na yan ha! Baka mag away pa kayo niyan." Sabi ni Papa.



"Si kuya kasi papa e." Pagsusumbong ko.



"Akin nga kasi ang madami!" Pagpupumilit niya.



"Hay naku! Kayong mga bata talaga kayo sakit kayo sa ulo. Kung ilan ang ibibigay kay kuya iyon din ang ibibigay sayo anak. Walang lamangan ang magaganap, okay?" Paliwanag ni Mama.



"Okay po." Sabay sa sabi namin ni kuya.



Dumating na ang araw ng pasko kaya kanya kanyang bihis ng magagandang damit. Paabukas ko pinto nakita ko na si kuya na pababa na rin.



"Naks! Gwapo mo ngayon kuya!" Nakangiting sabi ko.



Natawa naman siya at nilapitan ako, inakbayan niya ako at pinisil ang aking pisngi kaya napainda ako.



"Ngayon lang ba? Eh araw-araw namang gwapo ang kuya mo." Pagmamalaki niya.



"Sabi nila kuya bawal ang sinungaling pero pwede naman siguro ang white lies diba? Kaya sige gwapo kana araw-araw." Nangingiting sabi ko.



"Ikaw talaga ang dami mong dahilan, hindi mo nalang tanggapin na may gwapo kang kuya." Sabi niya.



Hindi ko nalang iyon pinansin at sabay na kaming bumaba. Nakita namin sila Mama na busy sa kung ano. Kaya nilapitan namin sila agad ni kuya.



"Merry Christmas Mama at Papa!" Sabay na sabi namin ni kuya ng nakangiti.



Ngumiti naman sila at binati din kami.



"Merry Christmas din mga anak." Sabi nila Mama at Papa at hilakan kami sa noo.



Ewan ko pero feeling ko may mali. Parang may gusto silang sabihin sa amin ni kuya kaso nag-aalangan sila. Mukhang napansin din iyon ni kuya kaya nagtanong siya.



"May sasabihin po ba kayo Mama?" Tanong ni kuya.



"Ahm mga anak, nagkaroon kasi ng problema sa kumpanya at kailangan naming maayos yun agad. Dalawang linggo kaming mawawala ni Papa niyo kaya hindi namin kayo makakasama ngayong pasko at new year." Maingat na paliwanag ni Mama sabay tingin kay Papa.



"P-po? Ma, Pa pasko ngayon pwede naman siguro na sa ibang araw nalang hanggang sa matapos ang new year. Sinong kasama namin ni Laik dito mag celebrate? Yung mga kasambahay na kailangan ding umuwi sa pamilya nila? Na pipilitin niyo para lang may makasama kami mag celebrate? Ma kayo kailangan namin hindi sila, puro nalang kayo trabaho hindi na namin kayo makasama ng matagal tapos ngayong pasko aalis kayo? Tapos hanggang new year pa? Ma naman eh" Sabi ni kuya saka naglakad pabalik sa kwarto niya.



Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.



"Anak?" May pagsusumamo na tawag ni Mama.



Pero hindi ko siya pinansin at tumakbo nalang din ako sa kwarto ko ng may pagtatampo sa kanila ni Papa. Nung araw na yun hindi pa rin namin sila napigilan na umalis kaya sa araw ng pasko at new year ay naging malungkot para sa amin kuya.



Pagtapos kumain ay pumasok nalang agad ako sa kwarto ko at nahiga na. Pipikit na sana ako ng biglang pumasok sa isip ko si Aiken. Yung ngisi niya at yung pagkausap niya sa 'kin. Muli na naman naging abnormal ang tibok ng puso ko. Fuck!



Aiken anong ginawa mo sa 'kin?

-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now