Chapter 30

26 5 0
                                    



"Sama mo naman kapatid mo bukas, bro," Rinig kong sabi ni Zayen.



Napailing iling nalang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga babaeo ang gago.



"Titignan ko kung papayag, ayaw nanonood ng kahit anong sports nun eh," Sagot ni Aaren kay Zayen.



Huh? Ngayon lang ako nakarinig ng babaeng ayaw sa mga sports ah?



Pagkatapos magligpit ay nag-paalamanan na kami. Agad naman akong dumiretso sa kotse ko at umuwi na. Pagdating sa bahay ay nanood muna ako bago ako nag-shower. Nang matapos ay pinatuyo ko lang ang buhok ko at saka na natulog.



Kinabukasan ay medyo nalate ako ng gising kaya ng makarating ako ay kompleto na silang lahat. Pumwesto ako sa may kabilang bench at doon nag-ayos. Napansin ko din kaninang pagpasok ko na may pinagkakaguluhan silang babae. Kapatid siguro si Aaren.



"Aiken!" Tawag ng kung sino.



Agad naman akong tumingin sa tumawag sa 'kin at nagtama ang paningin namin nung babaeng katabi ni Zayen. Kinunutan ko muna siya ng noo dahil sa pagtitig niya sa'kin bago ako tumingin kay Acel na siyang tumawag pala sa'kin. Sinenyasan naman niya akong lumapit kaya lumapit na din ako.



"Ah, si Aiken pala," Pakilala niya sa 'kin dun sa babae.



Tinignan ko naman 'yong babae at napansin kong hindi niya napansin na nasa harapan na niya ako. Tsk, tsk, ang gwapo ko talaga.



"Laikyn," Pakilala niya ng matauhan siya.



"Aiken," Simpleng sagot ko.



Ngumiti lang siya sa'kin na hindi ko na pinansin. Sakto naman ay dumating na si coach. Agad na kaming nag-ayos para mag streching. Pagkatapos nun ay nag-umpisa na kaming maglaro. Naging maganda naman ang laro ko pero hindi parin kami nanalo. Nang matapos ay agad na kaming nagpunta sa mga benches.



"Bawi tayo next time," Sabi ko sa mga ka-team ko.



Tinanguan lang nila ako at saka na nag-ayos ng mga gamit nila. Nag-ayos na din ako ng gamit ko ng marinig kong inaasar na naman nila si Zayen.


"Sanaol may taga punas ng pawis at taga bigay ng tubig!" Sigaw ni Zayen.



"Gag*! Wag kana magtaka kung wala kang ganito, napaka panget mo kasi!" Pang-aasar ni Aaren sa kanya.



Natawa naman kami sa sinabi ni Aaren.



"Tigilan niyo nga yang si Zayen, pogi naman siya ah?" Pagtatanggol niya.



Natahimik naman silang lahat sa sinabi niya, pati narin ako. Tahimik naman pala ako kanina pa.



"Crush mo ba 'ko Laikyn?" Mapang-asar na tanong ni Zayen sa kanya.



Loko talagang 'tong si Zayen kahit kailan. Pero dahil gusto ko rin malaman ay hinintay ko ang sagot niya. Pero bago siya sumagot ay sumabat muna si Aaren na masama ang tingin kay Zayen.



"Hoy Zayen baka gusto mong hindi na makapag laro?" Banta ni Aaren sa kanya na nakatingin na masama sa naka-akbay niyang kamay.



Tsk. Protective.



Tinanggal naman niya iyon. "Easy bro!" Sabi niya ng naka taas pa ang kamay.



Tinignan muli namin si Laikyn para marinig ang sagot niya sa tanong ni Zayen. Nagtama pa muna ang mga mata namin bago siya sumagot.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu