Chapter 26

20 5 0
                                    


Nandito ako ngayon sa may garden nila Yngrid. Magsimula kahapon ay hindi pa ako umuuwi sa bahay at magsimula rin kahapon ay hindi ko kinakausap si Aiken.



Ang sakit kasi, bakit kailangan pa niyang magsinungaling para dun sa babae na 'yon? Magmumukha akong tanga, pinapaniwala niya ako sa mga kagaguhan niya.



Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin. Ang sakit sakit kasi, tagos hanggang bone marrow.



Kasalukuyan akong nagddrama ng marinig ko ang boses ni Yngrid na nasa tabi ko na pala. Pinunasan ko agad ang luha ko.



"Sis, ano ng balak mo?" Tanong niya.



"Ewan," Tipid na sagot ko.



Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Naiyak naman ako dahil sa pagyakap niya. Hindi pa pala ako tapos mag drama.



"Nandito lang ako, susuportahan kita kung ano man ang magiging desisyon mo. Pero kailangan mo rin pakinggan yung si Aiken." Sabi niya.



"Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin baka kung ano lang ang magawa ko sa kanya." Sabi ko.



Napabuntong hininga nalang siya at hinagod hagod ang likuran ko hanggang sa tumigil ako sa pag iyak.



"Okay kana? Kakain na tayo." Sabi niya.



Tumango nalang ako at sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila. Nakita ko naman agad sila papsi na nakaupo na sa at hinihintay nalang kami ni Yngrid.



"Andyan na pala kayo. Maupo na kayo para makakain na tayo," Sabi ni mamsi.



Umupo naman agad kami at nagdasal muna bago magsimulang kumain. Tahimik lang kami habang kumakain ng basagin ni mamsi ang katahimikan.



"Ayos kana ba anak?" Tanong niya.




"Oo naman Ma, bakit naman ako hindi magiging maayos?" Sagot naman ni Yngrid.



"Hindi ikaw si Kyn-kyn," Sabi naman ni mamsi.



Tinignan ko naman si mamsi at tipid na tumango. Sa ilang araw ko dito sa kanila masasabi ko na medyo naging okay ako.



Hindi ko lang maalis sa isip ko na hindi man lang ako hinanap ni Aiken, walang text o tawag man lang. Kahit naman sinong lalaki kapag nakahanap na ng bago e mawawalan na sila ng pakialam sa ex nila. Kaya hindi ko nalang pinapansin.



"Sigurado ka ba?" Tanong naman ni mamsi.



"Opo, okay na po ako," Sagot ko.


Nagpatuloy na kami sa pagkain at ng matapos ay nagprisinta kami ni Yngrid na kami nalang ang mag hugas ng mga plato.



"Sigurado ka bang ayos kana?" Tanong ni Yngrid.



"Oo nga, ang kulit niyong pamilya ano?" Natatawang sabi ko.



"Naninigurado lang eto naman, basta kapag kailangan mo ng resbak diyan sa Aiken na yan nandito lang kami kuya, one call away kumbaga." Sabi niya.



"Thank you." Sabi ko sa kanya at niyakap siya.



"Syempre naman ikaw pa? What are friends for diba?" Sabi niya.



Pagkatapos naming magdrama e naghugas na kami ng plato. Medyo tumagal kami dahil naglalaro pa kami habang naghuhugas, kaya ang ending basa kami pareho pagkatapos.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now