Chapter 23

17 5 0
                                    


Hila hila ako ni kuya palabas ng mall habang umiiyak. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall dahil sa paghila ni kuya sa 'kin tapos ay umiiyak pa ako.




Pagdating sa may parking ng mall ay tumigil siya at niyakap ako. Lalo naman akong naiyak dahil doon.




"Kuya......bakit?" Naiiyak kong tanong.




"Shh....Let him explain first." Sabi niya.




Napahiwalay naman ako sa yakap ni kuya at tinignan siya. Umiling iling ako sa kanya.




"Kuya ano pa bang explanation ang kailangan kong marinig? Kitang kita na ng dalawa kong mata! Pinagpalit na niya ako!" Sabi ko sa kanya.




"Wag ka mag-isip ng ganyan. Hindi ka pa naman sigurado, komprontahin mo kapag alam mong totoo man 'yang nasa isip mo." Sabi naman niya.




"Ano yun kuya?! Babantayan ko siya araw-araw?! Tapos sa araw-araw na yun masasaktan ako?! Titiisin ko yung sakit para lang masigurado?!" Inis na sabi ko.




"Hindi ko sinabing bantayan mo araw-araw Laikyn! Hindi ko rin sinabi na saktan mo ang sarili mo!" Galit na sigaw niya.




"Hindi kuya, parang ganun na rin ang ibig mong sabihin." Naiiling na sabi ko.




"Laikyn makinig ka." Sabi niya.




Umiling lang ako at tumakbo papalayo sa kanya. Rinig ko ang pagtawag niya pero hindi ko na siya nilingon pa.




Hindi ko alam kung saan ako pupunta, panay lang ang takbo ko kung saan. Pinagtitinginan na naman ako ng mga taong nadadaanan ko.




Nang mapagod ako ay nag-abang nalang ako ng taxi. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko na naisip na mag taxi.




Panay ang tanong sa 'kin ni manong driver kung saan ako pupunta pero wala siyang nakuhang sagot sa 'kin. Nakatulala lang akong nakatingin sa dinadaanan namin at panay ang patak ng mga luha ko.




Hindi ko na namalayan na huminto na pala kami. Pagtingin ko sa paligid ay nasa may bar kami. Siguro ay naisip ni kuya na kailan ko 'to.




Pumasok ako sa bar at agad na umupo sa bar stool at nag order ng whiskey. Panay lang din ang iyak ako habang umiinom. Nang makarami ako ay may napansin akong lalaki na umupo sa aking tabi.




"Hi, alone?" Sabi niya.




"May nakikita ka bang kasama ko?"
Pagtataray ko.




Napangisi naman siya at umorder din ng alak para sa kanya.




"So, bakit mag-isa ka?" Tanong niya.




"Kasi wala akong kasama?" Sagot ko.




"Sungit mo naman." Natatawang sabi niya.




Inirapan ko nalang siya at uminom nalang ulit ako para naman kahit papaano e mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.




"Niloko ka ng boyfriend mo?" Tanong niya.




Nang tignan ko siya ay bigla nalang pumatak ang luha ko. Pinunasan ko naman agad iyon at umiwas ng tingin sa kanya. Tanginang mga luha 'to hindi na naubos
ubos.





"So, niloko ka nga." Sabi niya.




"Hmm, niloko niya ako sa araw ng monthsary namin." Sabi ko sa kanya.




The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat