Chapter 7

26 5 0
                                    


Nakahiga ako ngayon sa kama, dilat na dilat ang mata, hindi man lang dalawin ng antok. Sino ba naman kasi ang dadalawin ng atok kung halos isang araw akong tulog? Ang gising ko palang eh kaninang hapunan tapos pinagkikiliti pa ako ni kuya kaya talagang hindi ako dalawin ng antok nito. Naalala ko tuloy yung dahilan ng pagtawag ni Yngrid.



Talagang aalis si papsi, tapos dalawang taon pa. Mamimiss ko talaga ng todo si papsi lalo na kapag sinisingil niya ako dahil sa tubig na iniinom ko sa kanila.



"Wow, hobby mo pala iyong uminom ng tubig ano, Kyn-kyn?" sabat ni papsi habang seryoso akong umiinom.



"Stay hydrated bitch, ganon papsi" sabi ko.



"Alam mo bang para sayo talaga iyang mineral water and water dispenser na binili ko?" natatawang saad ni papsi.



"Effort mo naman pala papsi, kaya lab kita! Bukas kiss kita" pang uto ko.



"Kaya kyn-kyn, kahit minimum lang ang iambag mo ay magkakasundo tayo" kaya naman nanlaki ang mata ko tsaka sabay luwa ng tubig sa mismong baso.



"Pota papsi, sabihin mo nga sakin, gipit na gipit kana ba talaga?" pigil tawa kong tanong.



"Eto naman, syempre joke joke lang. Alam mo bang anak na ang turing ko sayo" pagdadrama nya



"Anak mo naman talaga ako, papsi! Kaso pinalabas mo ako sa bahay nyo kaya anak sa labas nyo ako" pagdadrama ko din kaya naman sabay kaming napatawa.



"Ikaw talagang bata ka napaka-maloko mo kahit kailan." Natatawang sabi ni papsi.



Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni papsi hanggang sa lumabas na rin si Yngrid. Napaka-bagal talaga kumilos nito pero pag may handaan hindi nagpapahuli.



"Anong ginagawa mo dito? Dinadalaw mo ba si kuya?" Mapang-asar na tanong niya.



"Gaga ka! Hindi no, si papsi ang dinadalaw ko." Sabi ko sa kanya.



"We? Baka naman- O ayan na pala si kuya e. Kuya may dalaw ka!" Tawag niya sa kuya niya.



"Sino?" Takang tanong niya.



Tinuro naman ako ni Yngrid habang kinikilig kilig pa. Tumingin naman sa akin si Denver at agad na napailing saka ako nginitian. Hala siya.



"Nag-abala ka pang pumunta dito Kyn-Kyn, kung miss mo ako pwede mo naman akong itext nalang para ako na ang pumunta sa bahay niyo." Nakangising sabi ni Denver.




Aba nga naman ang tindi talaga mang-asar ng mag-kapatid na 'to. Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil ramdam kong namumula ang pisngi ko. Napaigtad pa ako ng maramdaman kong may kamay sa ulo ko. Tinignan ko iyon at nalaman na si Denver pala.



"I miss you too." Sabi niya at tinalikuran na kami.



Shit ka talaga Denver! Argh! Nakarinig naman ako ng malakas na tawa at syempre hindi ko na kailangan hanapin kung saan nanggaling yon. Nanggaling lang naman yon sa magaling kong kaibigan na si Yngrid. Mababatukan ko talaga 'to wag niyo ako pigilan.



"Masyado kang affected tanga!" Natatawang sabi niya.



"Aba! Mas tanga ka may jowa ka tapos lalandi ka ng bago tapos nung nafall ka sa nilandi mo di ka naman sinalo." Bawi kong sagot.



"Alam mo? Tangina ka." Inis na sabi niya.



"Ang sabihin mo nabara kita!" Natatawang sabi ko.

Buong magdamag na nasa bahay nila ako ay nakasimangot siya. Buti nalang at hindi lumalabas si Denver kung hindi paniguradong ako ang nakasimangot ngayon.



Pag may pasok naman ay sabay kaming umuuwi at bumibili ng super tamis na tinapay then mauumay mga ngipin namin.



"Ate magkano po yung tinapay na may condensed sa labas at loob?" Tanong ni Rid.



"Limang piso isa." Sagot naman ni ateng tindera.



"Naku! Napakamahal naman ate! Tara sa kabila nalang tayo bumili." Sabi niya na nagpalaki ng mata namin ni ateng tindera.



Hindi ko na alam kung paano ako haharap kay ate dahil sa kahihiyan. Lupa lamunin mo nuna ako kahit ngayon lang. Nakarinig naman ako ng malakas ng tawa.



"Eto naman syempre joke lang yun, suki na kaya tayo ni ateng tindera." Sabi niya ng natatawa.



Binigyan ko naman siya ng isang batok. "Sira ka talaga kahit kailan." Natatawa naring sabi ko.



"Susmaryosep! Kayo talagang mga kabataan eh puro kalokohan." Naiiling sa sabi ni ate.



"Pabili kami ate tig tatlong piraso kami." Masayang sabi ni Rid.



Jusko! Hindi na ako magtataka kung mag ka diabetes kami.



Pag-weekend naman at may time nagkakaayaan kami na manungkit ng mangga kila Aling Bebang.



"Sigurado ka bang walang tao ngayon sa bahay na?" Tanong ko.



"Oo, sure na sure. Sabi din ni kuya lumayas daw sila, nagpakalayo-layo." Natatawang aniya.



"Loka ka talaga." Sabi ko. "Tara na, baka dumating pa sila kung saang lupalop man sila nanggaling." Dagdag ko.



Oo, tama kayo ng iniisip. Dumedekwat lang kami ng mangga kapag wala sila lalo na si Aling Bebang napakadamot kasi niya. Akala mo naman eh makakain niya lahat yung bunga ng mangga niya.



Nang makarami na kami ay agad na kaming bumalik sa bahay nila Rid. Nadatnan namin sila papsi, mamsi at Denver sa labas.



"Papsi! Mangga you want?" Tanong ko.



"Yes of course!" Buong galak na sagot niya.



Natawa naman ako at nilapitan siya para yakapin.



"Gumagaling na tayo sa English papsi ah?" Natatawang sabi ko.



Natawa nalang din siya at umiling. Niyakap ko din si mamsi sa tabi niya.



"Hi mamsi! namimiss ko na mga masarap na luto mo." Sabi ko habang nakasguso.



"Ikaw talaga Kyn-Kyn hindi mo na ako kailangan bolahin, ipagluluto kita ng paborito at dito kana maghapunan." Sabi niya.



"Talaga mamsi? Waaaa i love you talaga!" Masayang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.



"Ako walang yakap?" Tanong syempre ni Denver.



Nagsisimula na naman siyang mang-asar. Panira ng moment kahit kailan.



"Wala daw bang yakap si kuya?" Panunukso pa ni Rid-Rid.



Sinamaan ko naman siya ng tingin sabay sabing "Tse!"



Pinagtawanan naman nila akong pamilya. Ang hirap lumaban isa lang ako tapos sila pamilya. Hays. Pero ayos lang kasi parang may magulang na din akong kasama



Napabuntong hininga naman ako sa mga alaala na iyon. Mamimiss ko talaga mga kulitan namin ni papsi tapos mawawalan pa ako ng kasamang umuwi. Mamimiss ko ng sobra ang pamilya na iyon. Oo, kasama yung lintik na Denver na iyon.



Dahil sa inis ko bigla nalang lumitaw yung imahe ni Aiken at yung anak ng glutathione sa simbahan sa isip ko.



Makakapatay ata ako ng tao.


-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now