Chapter 15

22 5 0
                                    



"Where's my kiss?"



Hala! Kilala ko yung boses na yun ah? Unti unti naman akong humarap sa pinanggalingan ng boses at hindi naman ako nag kamali sa hula ko. Si Aiken nga.



"Bro! Akala ko ba may emergency ka?" Tanong ni Acel.




"Yeah, but it's okay now. I arrived back here early, pero nadatnan ako ng traffic kaya natagalan ako. Sakto naman pagbaba ko nakita ko kayo dito, having a little commotion about the kiss." Paliwanag niya.



"Oo, ang kulit kasi ni Zayen. Naka-score na naman tuloy ulit siya." Sabi naman ni Nef.



"Really?" Sabi ni Aiken.



Ewan ko pero parang may iba nung sinabi ni Aiken yung 'really?'. Para bang naiinis siya na nagagalit.




"Yup." Naka-ngising sabi ni Kuya.



"So where's my kiss? I assumed you already gave them their kiss." Sabi ni Aiken sa 'kin.



Paksyet! Nanghihingi ba talaga siya ng kiss? Parang kanina lang ang sama ng tingin sa 'kin nito tapos may pa iling-iling pang nalalaman. Marupok naman pala.



"Seryoso ka?" Tanong ko.



"Do I look like I'm joking?" Tanong niya pabalik.



Hala ka! Seryoso nga ata talaga siya. Ano bang ginawa ko dito at pinapahirapan niya ako? Tinignan ko naman si Kuya pero nag kibit balikat lang siya, ganun din sila Acel.



"I'm waiting." Paalala ni Aiken.



Tengene me po!



Napabuntong hininga nalang ako at mabilis na inisang hakbang ang layo namin at hinalikan siya sa pisngi. Hindi naman kasi siya ganun kalayo.




"Okay na? Tara na mag si uwi na tayo." Sabi ko sa kanila at hinila na si kuya.



Nakaramdam naman ako ng hiya sa ginawa ko kay Aiken pero dun sa tatlong kupal wala man lang akong naramdamang hiya. Siguro dahil hindi pa kami masyadong close?



"Namumula ka." Sabi ni kuya ng maka-pasok sa sasakyan.



"H-hindi ah! Blush on lang 'to!" Depensa ko saka binaling ang aking ulo sa bintana.



"Okay, sabi mo e." Sabi naman niya.



Kita ko sa gilid ng mata ko na naka-ngisi siya habang sinasabi iyon. Kanina pa yan si kuya na ganyan kapag si Aiken ang topic. Bigla nalang ngumingisi.



Baka naman type ni kuya si Aiken?! Hala hindi pwede! Magka-kamatayan muna kami. Akin lang si Aiken!



Pagdating sa bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto ko para mag-shower. Pinawisan kasi ako kanina. Ayos na rin na mag-shower para makatulog agad ako saka napagod talaga ako kanina.



Pinatuyo ko lang ang buhok saka na ako nahiga para matulog. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako.



Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa tabi ng table ng kama ko at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.



"Hello...." Inaantok na sagot ko.



[ Uh, sorry I disturb you from your sleep.]



Napabalikwas naman agad ako ng makilala kung sino ang tumatawag. Tinignan ko pa ang screenng telepono ko para masigurado.



"Hala! Ikaw pala yan Aiken, nakatulog kasi ako agad pagdating dahil na rin siguro sa pagod." Sabi ko sa kanya.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now