Chapter 8

24 6 0
                                    


Nandito ako ngayon sa bahay nanonood ng movie. Wala kasi si kuya ewan kung saan na naman nagpunta at di man lang nag-abalang isama ako. Siguro may date yun ayaw lang niya ipaalam baka kasi hindi na naman magpakita pag nagkita kami nung babae.



Inaaway ko kasi lahat ng dinadalang babae ni kuya kahit kaibigan lang daw niya, talagang pinapakita ko sa kanila na hindi sila welcome at hindi ko sila gusto para kay kuya. Titigil naman ako kapag nakita ko na yung para talaga kay kuya.



Speaking of kuya, ayan dumating na din siya. Nakakabored kaya dito sa bahay pag mag-isa.



"Hi kuya! Saan ka ba nagpunta?" Bati ko sa kanya.



Tumayo ako at saktong ikikiss ko na siya sa pisngi ng makita ko sila Zayen sa likod niya. Inakbayan naman niya ako at humarap sa mga kasama niya.



"May binili lang ako sakto nung pauwi na 'ko, nakita nila ako at sabi nila gusto ka daw nilang bisitahin." Sabi niya ng may diin ang bisitahin.



"Hi Kyn-Kyn! Kami ba walang kiss sa pisngi?" Malokong sabi ni Zayen.



Ulul mo!



"Eto gusto mong humalik din sa pisngi mo?" Sabat ni kuya habang nakakuyom ang kamao sa harap ni Zayen.



"Hindi ka naman mabiro Ren." Sabi niya habang nagpipilit ng tawa.



Nilibot ko ang tingin ko sa kanila at may hindi ako inaasahan na makakasama nila. Nagtagpo ang mata namin, actually nakatingin na siya sa akin ng magtagpo ang mata namin. Si Aiken.



Nginitian ko nalang siya at umiwas na ng tingin. Kaibigan pala nila kuya si Aiken? Bakit wala naman siyang nababanggit sa akin dati? Saka nakikita ko na rin sila Zayen sa picture kasama ni kuya pero wala si Aiken.



"Uhm upo muna kayo, nanonood kasi ako ng movie." Sabi ko sa kanila.



"Mahilig ka manood ng movie?" Tanong ni Zayen bago umupo sa tabi ko.



"Hindi naman, wala lang kasi ako magawa kanina." Sabi ko naman.



Hindi nalang siya sumagot at tinuon na ang atensyon sa pinapanood kong movie. Ang matinde pa niyan siya lang ata ang naka-ubos sa hawak kong Pringles. Nang matapos ay naisipan muna nilang mag-laro ng truth or dare.



"Truth." Sabi ni Acel dahil sa kanya natutok ang bote.



"Ilan na naikama mo?" Tanong Zayen.



Loko talaga 'to, may kasama kayong babae dito oh mahiya naman sana kayo.



"Hoy! gago ka talaga. Wala." Sagot niya.



Good boy! Hahaha!



This time natutok naman kay kuya ang bote.



"Truth." Bored niyang sabi.



"May girlfriend kana?" Nakangising tanong ni Nef.



"Tsk. Wala, inaaway lahat ni pandak mga nililigawan ko kaya inaayawan ako." Sagot niya.



Aba! Siya nalang nga itong inililigtas sa pagiging broken tapos siya pa ang galit.



"Seryoso?" Tanong ni Acel na nakatingin sa 'kin.



"Oo, pag-ayaw ko sa kanila inaaway ko." Honest na sagot ko.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now