Chapter 1

58 7 0
                                    


Omg! Am I going to be a fan of a volleyball player? Not gonna happen in my life. Na pogi-an lang naman ako sa kanya, pwede ko naman siyang makita sa school, pwede rin na e stalk ko nalang siya diba? Fuck no! I will never be a stalker! But, how can I see him? How can I be updated about him or about their games? Wait Am I sounds like a crazy fan? Argh! This can't be!



I can't see myself shouting, jumping, and cheering for them, nope! Not for them, only for him. Kailangan lagi akong updated sa mga laro nila. Kailangan kong magpanggap na hindi ako interesado manood pero sasama pa rin ako sa mga kaibigan ko basta I'll maintain my straight face. Wait, hindi ko na pala kailangan magpanggap dahil hindi naman talaga ako interesado. Dzu!



"Grabe girl ang galing talaga nila Joshua!! Aacckkk!!" Kinilikig na wika ni Sea.



"Sino naman yun?" Walang gana kong tanong.



Syempre kailngan natin umarte para hindi mahalata na interesado ako pero sa kaloob-looban ko talaga interesadong interesado talaga ako.



"Yung mga taga SAAC loka ka! Nandoon ka ba talaga sa loob ng gym o nilipad yang kaluluwa mo sa ibang mundo?" Naiinis na wika niya.



I just shrugged and leave her alone while screaming at my name.



Paano ko naman malalaman kung sino mga player e dun lang sa lalaking nabihag ata ang puso ko nakatuon ang atensyon ko. Chos! Ano naman kayang school yun? SAAC? Student Athlete Advisory Committee? Hay wag ko na nga lang isipin, basta nandun yung lalaki kanina.



Pag-uwi sa bahay sinalubong agad ako ng panget kong kuya, buti na lang maganda ako, saan kaya ako pinaglihi ni mama? Well hindi na kailangan malaman iyon baka sabihin niyo pa sa mga nanay niyo no? Dzu! Pero syempre joke lang yung kanina na panget si kuya, pogi kaya ng kuya ko, kinakabaliwan ata ng mga babae yan sa school. Saka walang panget sa ang angkan namin no? Kapag panget ka ampon ka sa angkan namin! Chos!



"Samahan mo 'ko sa practice pandak." Nakangiting aniya.



Abat nagpantig agad ang tenga ko sa itinawag niya sa 'kin.



"Excuse me?!" Sabi ko habang nanggagalaiti sa inis.



"Huh?" Sabi niya, saka umusog pakaliwa sa akin sabay sabing "Ayan daan kana pandak." Mapang-asar na wika niya.



"Argh! Kuyaaa!!" Naiinis na talagang wika ko.



Nilapitan niya ako at inakbayan sabay kurot sa ilong ko na nagpadaing sa akin sa sakit. "Aray kuya ha?!"



"Eto naman di kana mabiro, naglalambing lang naman si kuya sayo." Sabay kurot naman ngayon sa magkabila kong pisngi.



Tinignan ko naman siya ng masama.



"Kuya anong akala mo hindi masakit yang pakurot kurot mo na yan?! Naglalambing na may kasamang pananakit?! Kanino mo nalaman yan at ng mapatay ko yung tao na yun." Inis kong sabi.



Aba! Ang loko tinawanan lang ako ng walang hiya!



"Para lang dun papatay ka?" Natatawang aniya.



"Oo, grabe ang paglalambing na itinuro sayo! May kasamang pananakit!" Sabi ko.



"Ganun talaga yun pandak, basta samahan mo ako sa practice namin." Sabi niya habang naka pout.



Natawa naman ako sa itsura ni kuya. Lt



"Panget mo kuya! Mukha ka pang tanga!" Natatawang sabi ko. "Oo na samahan na kita basta itigil mo na yang pag ppout mo, hindi mo bagay kuya. HAHAHA!"



Tinigilan naman niya yung pag ppout niya at buong galak na ngumiti sa 'kin at niyakap ako.



"The best ka talaga pandak!" Aniya



"Basta libre mo 'ko!" Saka ako humiwalay sa yakap niya at sinamaan siya ng tingin. "Tigilan mo nga ang kakatawag sa akin ng pandak kuya!" Naiinis na mang sabi ko.



Tumawa na naman ang gag* kong kapatid sabay takbo at sigaw ng...



"PANDAK SI KYN-KYN! PANDAK SI KYN-KYN! PANDAK SI KYN-KYN!" Hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya sumigaw parin siya.



"KUUUUYYYYYAAAAA!!" Sigaw ko naman sa kanya dahil naiinis na talaga ako.



FIY! Hindi ako pandak baka nga siya pa ang pandak sa aming dalawa. Mas matangkad kaya ako sa kanya, dzu! Hindi ko nga alam bakit naka pasok yan sa volleyball eh.



"BUKAS 8:30 ALIS NATIN PANDAK!" Sigaw niya pabalik.



"Argh! Bahala ka sa buhay mo!" Bulong ko sabay pasok narin sa kwarto ko.



Nagbihis lang ako at humiga na sa kama. Grabe miss na miss ko na sila mama at papa. Wala kasi si mama nagtatrabaho, tapos si papa nasa kompanya nagtatrabaho din, in short parehas silang wala kasi nasa trabaho sila. Mamaya pa uuwi yung mga yon dahil marami daw problema at mga gagawin sa kompanya. Nakakatampo nga kasi minsan nalang kami magkita-kita sa bahay. Uuwi kasi sila ng gabi na tulog na kami ni kuya tapos kinaumagahan wala na sila, hindi man lang namin sila maka-sabay kumain ni kuya.



Kung madatnan man namin sila e paalis na sila, hahalik lang tapos papaalalahanan na ayusin ang pag-aaral tapos mag bobonding kapag hindi na sila busy, ilang taon na nila sinasabi sa amin ni kuya yun pero di matuloy tuloy dahil masyado silang tutok sa kompanya. Pati sa pagsisimba minsan nalang kami magkasama samang apat, kaya minsan, nope, madalas pala e kaming dalawa ni kuya ang nagsisimba.



Pero sanay na kami ni kuya kaya wala namang problema. Naiintindihan namin sila, saka kahit ganun e hindi parin naman nila kami pinapapabayaan ni kuya. Kaya mahal na mahal namin sila ni kuya e, kahit na minsan may pagkaloko loko si kuya e nakakabawi naman siya agad. Oo, si kuya lang, napakabait ko kaya, tanong mo pa sa mga student sa school, huwag na pala baka ano pang malaman niyo at ma fake news pa kayo tapos kung ano ano ipagkalat niyo sa 'kin aba mapapatay ko talaga kayo. Pero kung ang ipagkalat niyo e maganda ako, magkakasundo tayo ghorl.



Basta huwag na huwag mo lang aagawin sa akin yung lalaki na volleyball player, ayos na ayos tayo nun. Shet! Pumasok na naman sa isip ko yung lalaki na yun.



"Hindi kaya napapagod yun? Tumatakbo kasi siya sa isip ko e. Hihihi." Kinikilig kong bulong.



Nagiging korni na ata ako? Grabe mahal ko na ata siya?



Mahal ka ba? Singit naman ng konsensya ko.



Grabe ka ha? Napakasama mo!



Dahil sa sobrang pag iisip ko hindi ko na namalayan na hinihila na ako ng antok hanggang nakatulog na pala ako.


-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now