Chapter 13

24 5 0
                                    


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa toy kingdom sa mall. Nagtanong kasi sila kanina kung anong next na pupuntahan kaya nag suggest ako.



Magkaka-ayaan sila tapos mga wala naman silang plano. Kung wala pala ako eh ang bonding nila ay ang paglalakad sa lang sa mall.



Habang bumibili sila ng token ay nag ikot-ikot muna ako para mamili kung alin muna ang lalaruin ko. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Aiken sa tabi ko.



"Hi! Nalate ka ata kanina?" Bati ko sa kanya.



"Yeah, I forgot that's today." Sagot niya.



"Uhm okay." Sagot ko nalang at nag ikot-ikot pa.



"What's your relationship with Zayen?" Tanong niya habang nagiikot kami.



"Bestfriend?" Hindi ko sure na sagot ko.



"Ganun ka ba sa lahat ng kaibigan mo?" Tanong niya.



"Oo, bakit?" Balik na tanong ko.



"Then, can I be your friend?" Tanong niya.



"Ay, friend lang? Ayaw mo boyfriend?" Disappoited ko kunyaring tanong.



Natawa naman siya at napailing. Ang pogi pala ng lalaki na 'to kapag tumatawa. Ang cute din niya.



"Ang gwapo mo kapag tumatawa." Sabi ko na naging dahilan para mawala ang ngiti sa pabi niya.



Napaiwas naman ako ng tingin ng marealise ko yung sinabi ko. Pero hindi nawala sa tingin ko ang pamumula niya.



Ang cute!



Buti nalang at dumating sila Zayen para ibigay yung token ko. Kung hindi sila dumating baka hanggang mamaya awkward kami sa isat isa.



"Dun tayo sa may basketball kyn." Aya ni Zayen sa 'kin



Tumango naman ako at sinabayan siyang paglakad papunta sa sinasabi niyang basketball.



"Marunong ka ba?" Tanong niya.



"Hindi eh." Sagot ko naman.



"Sige turuan muna kita bago ako maglaro." Sabi niya.



Pumwesto naman agad siya sa likuran ko at hinintay na bumaba yung mga bola. Pagbaba ng mga bola agad siyang kumuha ng isa at pinahawak sa 'kin.



"Hawakan ko kamay mo ah?" Pagpapaalam niya.



Tumango lang ako sa kanya at umayos na ng tayo. Hinawakan naman niya ang kamay ko at itinaas iyon. Pinwesto niya yung kamay ko na parang isang tunay na basketball player.



"Hawakan mo ng ganyan tapos pag ishoshoot mo na ibend mo ng kaunti na likot saka mo ihagis." Paliwanag niya saka sabay naming hinagis yung bola.



Pumasok naman iyo sa ring at napa palakpak naman ako sa tuwa.



"Ang galing." Sabi ko sa kanya.



Ngumiti lang siya sa 'kin at inabutan ulit ako ng isang bola. "Try mo ikaw mag-isa." Sabi niya. Tumango naman ako at ginawa ko yung mga tinuro niya sa 'kin kanina.



Paghagis ko, pumasok iyon sa ring kaya napatalon naman ako sa tuwa. Mukhang mae-enjoy ko itong bonding nila ah.



Naglaro kami doon ni Zayen ng limang beses. Tawa naman ako ng tawa kapag nakikita kong mas marami akong na shoshoot kesa sa kanya.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now