Chapter 17

18 5 0
                                    


Dumaan ang mga araw na mas lalong nagiging sweet sa 'kin si Aiken. Ilang araw na din simula ng malaman ko na nanliligaw na pala siya.



"Sino kalaban niyo kuya?" Tanong ko.



Nag-aayos kami ngayon ng gamit para sa laban nila. Pinagdala ko kasi si Aiken ng towel at tubig baka kasi makalimutan niya.



"Katabing University ng school natin." Sagot naman niya.



Napatango-tango naan ako dinoble check ang mga dala ko. Ilang araw na rin pala kaming hindi nagkikita ni Aiken. Halos phone call lang kami at text.



To: Aiken
Otw na kami. Ingay ka sa pag drive.



Text ko sa kanya. Syempre wala pang kami kaya wala munang i love you saka na yun malapit ko na rin naman siyang sagutin. Hihihi.



From: Aiken
Yes baby;)



Parang tanga 'to si Aiken ang aga aga pinapakilig ako. Magsimula din pala nung nag dinner date kami baby na ang itinawag sa 'kin.



"Ready kana?" Tanong ni kuya.




Tumango lang ako sa kanya at nagsimula ng mag lakad. Nang makarating ay medyo marami ng tao. Nakita ko na din sila Zayen, Acel, Nef, at iba pang players. Wala pa si Aiken.



"Hi Kyn-kyn! Buti sumama ka? Akala ko ayaw mo sa mga ganito?" Tanong ni Zayen.



"Pinapapunta kasi ako ni Aiken eh."  Nahihiyang sabi ko.



"Si Aiken? Anong meron sa inyo?" Nakangising sabi ni Acel.



Magtatanong pa e mukha namang alam niya kung anong meron sa 'min ni Aiken. Trip talaga ako ng mga 'to e.



Sasagot na sana ako ng may umakbay sa 'kin at humalik sa pisngi ko na nagpagulat at nagpalaki ng mata ko.



"Manliligaw, soon to be boyfriend." Sabi niya saka tumingin sa 'kin.



Ramdam ko ang pamumula ko dahil sa sinabi niya. Hindi tuloy ako mapakali dahil sa hiya kila kuya.



"Sakit nun bro naunahan ka." Sabi ni Nef.



"Ang bagal mo kasi dumiskarte bro." Sabi naman ni Acel



"Better luck next time." Pagsali sa ni kuya sa pang-aasar kay Zayen.



Hindi ko nalang sila pinansin at naghanap na ako ng upuan malapit sa pwesto nila. Nagsialisan din naman sila kuya para puntahan ang iba nilang ka team.



Si Aiken naman ay sinusundan niya lang ako. Bahala siya diyan hindi ko siya kakausapin pinahiya niya ako kanina.



"Baby." Tawag niya.



Hindi ko naman siya pinansin at umupo nalang sa nakita kong upuan.



"Baby."


Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka!



"Baby." Tawag niya saka pumunta sa may harapan ko.



"Hey, talk to me please." Sabi niya.



"Baby." Malambing na sabi niya.



Dahil marupok tayo, pinansin ko na siya.



"Bigla ka nalang nanghahalik." Reklamo ko sa kanya.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon