Chapter 29

24 5 0
                                    


Kinabukasan ay nagising nalang ako sa ingay ng kung sino malapit sa 'kin. Agad ko namang iminulat ang mga mata ko at laking gulat ko sa nakita ko.



"Good morning, anak!" Bati ni mommy.



Agad naman ako napatayo at niyakap si mommy. Muntikan pa kaming ma-out of balance ni mommy dahil sa pagyakap ko.



"Waaaaa! I miss you mom," Umiiyak na sabi ko.



"I miss you too, baby, stop crying na you will introduce to me your boyfriend pa hihihi," Animong kinikilig na sabi ni mommy.



Agad naman akong napahiwalay sa yakap dahil sa sinabi niya. Alam niyang may boyfriend ako?!



"H-how did you know?" Nakakunot noong tanong ko.



"To your kuya, he's always updating us sa mga nangyayari sa inyo, that's why," Paliwanag niya.



Bigla ko namang naalala yung sinabi ni kuya sa 'kin kagabi. Kaya naman pala, sinabi na niya kila mommy. So anong use pa ng pagpapakilala ko sa kanila kung alam naman pala nila na may boyfriend ako at parang kilala na rin nila the way na kiligin si mommy para talagang kilala na nila si Aiken.



For sure sinabi rin ni kuya kung paano ako itrato ni Aiken at kung masaya ba ako. Kasi kung hindi, hindi ganto ang magiging reaksyon ni mommy.



"Maligo kana at mag-aalmusal na tayo. Ano nga palang oras darating ang manugang ko? Hihihi," Tanong ni mommy.



"Kilig na kilig mommy? Hindi ko pa po alam mommy and by the way he will introduce me also to his family so for sure darating agad iyon," Sabi ko naman.



"Yieee! Really?!" Kilig na tanong niya.



"Yup. Kaya bumaba kana doon mommy at maliligo na ako baka dumating na rin si Aiken niyan," Pagtataboy ko kay mommy.



"Okay, hihihi! We'll wait you!" Sabi ni mommy saka na naglakad palabas ng kwarto ko.



Paglabas ni mommy ay agad na akong nagpunta sa banyo para makapag shower na. Pagkatapos kong mag shower ay niready ko na iyong susuotin ko na binili pa ni Aiken. Sinuot ko muna yung dress saka ako nag-makeup, light makeup. Tinali ko lang ang buhok ko saka naglugay ng kaunti sa harapan saka na ako bumaba.



Nakita ko naman sila na nandoon na sa may kitchen. Nagulat pa ako ng makita ko si Aiken na nadoon na din at kausap sila nila mommy at daddy. Agad naman akong nakita ni daddy kaya ngingitian niya ako, nginitian ko naman din siya pabalik.



"Heto na pala ang prinsesa ko," Anunsyo niya kaya naman nalipat sa 'kin ang paningin nila.



Wow! Celebrity lang ang peg?



"Good morning, mommy, daddy," Bati ko at nilapitan sila para halikan sa pisngi. "Good morning, kuya," Nilapitan ko din siya at hinalikan sa pisngi. Tumabi naman ako kay Aiken at nginitian siya. "Good morning," Bati ko din sa kanya.



"Good morning, ako walang kiss?" Tanong niya na rinig naming LAHAT!



Namula naman agad ako sa sinabi niya at patago siyang kinurot at pinandilatan ng mga mata. Pinig ko naman ang tili ni mommy at tawa ni daddy. Nakangisi naman si kuya.



Ano pa nga bang magagawa ko? Hays. Agad ko naman siyang hinalikan sa pisngi. Napansin ko pang mas lumaki ang pagkakangisi niya ngayon. Si mommy naman ay umiirit sa kilig. Pinagkakaisahan nila ako!



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now