Chapter 28

21 5 0
                                    


"You will wear that tomorrow, okay?" He said.



"Bakit binili mo pa ako ng susuotin? Ang dami ko namng damit sa bahay na pwede ko suutin bukas ah?" Reklamo ko sa kanya.



Para namang pinamumukha nito sa 'kin na di ako maganda manamit ah? Charot lang!



"Pambawi," Simpleng sagot niya.



"Ah, okay," Sabi ko nalang.



Pinabalot na ni Aiken yung damit ko habang nagtitingin-tingin ako ng mga damit. Napakamahal ng mga damit dito, mahal pa ata sa kotse ni kuya!



"Let's go," Biglang sulpot ni Aiken.



"Ay puk* mo!" Gulat na sabi ko.



Hinarap ko naman si Aiken at sinamaan ng tingin. Naguluhan naman ako sa istura niya dahil natatawa siya na ewan. Kinunutan ko siya ng noo at narealize ko yung sinabi ko kanina. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang wala naman masyadong tao at hinarap siya para paluin.



"Aish! Nakakahiya yun! Buti nalang walang tao malapit sa 'tin," Sabi ko habang pinapalo pa rin siya.



"Masakit, baby," Reklamo niya.



"Kasalanan mo yan," Sabi ko naman.



Tinulak ko na siya palabas ng store dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nagtataka siguro kung bakit ko siya pinapalo.


"Wag mo na uulitin yun, ah? Lalo na 't nasa public place tayo, nakakahiya," Sermon ko sa kanya.



"Okay, okay, basta tigilan mo na ang pagpalo sa 'kin. Namumula na ako sa mga palo mo," Reklamo na naman niya.



Napansin ko nga na namumula na siya kaya tinigilan ko at sumakay na ng sasakyan. Sumakay na rin siya at nagsimula na kaming magbiyahe pauwi, medyo late na rin kasi. Tahimik lang kami sa buong biyahe kaya naman hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.



Naalimpungatan lang ako ng may humahalik sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Aiken.



"Paraparaan tayo ah?" Tanong ko sa kanya.



He just smile and kissed me again, "I just miss you so much," Nakangiting sabi niya.



"Kasalanan mo naman yun," Sabi ko saka na lumabas ng kotse niya.



Agad naman siyang bumaba para habulin ako.



"I'm so sorry again for what happened,"



"Wala na yun, malakas ka sa 'kin eh,"



Niyakap naman niya ako agad, wala naman akong magagawa kaya niyakap ko nalang din siya pabalik. Nakakamiss ang kolokoy na 'to hahaha!



Humiwalay siya sa yakap at saka ako pinakatitigan ng mabuti habang nilalagay niya ang mga takas na buhok ko sa likod ng tenga ko.



"I love you," Sabi niya.



"I love you, too." Nakangiting sabi ko.



"So? Sunduin nalang kita tomorrow, okay?"




Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Then I angled my face and kissed him on his lips. Hindi siya umapila. Hinawakan niya ang bewang ko at mas hinapit ako sa kanya. He pushed his tongue inside my mouth and his other hand went to hold my neck.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now