Chapter 14

23 5 0
                                    


Problema kaya ni Aiken?



"Kami walang kiss kyn-kyn?" Tanong ni Acel.



Kanina pa ako kinukulit ng mga 'to naiinis na 'ko. Nandito pa rin kami sa Toy Kingdom para mapapalitan yung mga nakuha naming ticket.



"Kiss galing sa tiles gusto niyo?" Tanong ko.



Sumimangot naman sila at nag pout sa harapan ko. Nagmamaka-awa ang mga itsura nila. Natawa naman ako dahil dun.



"Kutos galing kay kuya you want?" Tanong ko ulit.



"Wag na nga." Pagsuko nila.



Pansin ko naman na hindi mawala wala yung ngiti sa labi ni Zayen. Tuwing tumitingin ako sa kanya ay mas lalong lumalaki yung ngiti niya sa labi. Kita na pati gilagid niya sa sobrang lawak.



"Mukha kang tanga." Sabi ko sa kanya.



"Kiniss mo naman." Sabi ni habang tumataas taas pa ang kilay.



"Tss."




Medyo natagalan kami sa pagbibilang ng ticket na nakuha namin. Pinagsama-sama kasi naming lahat yung nakuha namin kaya ang ending inabot na kami ng ilang oras dito.



Hindi ko alam kung anong pinagpalit nila sa mga ticket namin kasi nakabalot na yun ng paper bag.



"Bili tayong ice cream." Sabi ko sa kanila.



"Sige, teka na saan si Aiken?" Tanong ni Nef.



Nag walkout kanina hindi ko alam kung bakit!



"Nakita ko kanina umalis." Sabi ni kuya.



"Saan naman nag punta yun?" Tanong ni Zayen.



"Tawagan niyo nga." Utos naman ni Nef.



"Naks! Maka-utos ah?" Sarkastiko kong sabi.



Ngumiti lang siya at nag kamot ng ulo. May kuto siguro 'to.



"Bro! Saan ka nag punta?... Sige sabihin ko nalang... Geh ingat." Rinig kong sabi ni Acel.



Binaba na ni Acel ang telepono niya at tumingin sa 'min.



"Nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila, nakalimutan na daw niya mag paalam biglaan daw kasi." Paliwanan ni Acel.



"Emergency? Huh?" Rinig kong bulong ni kuya.



Sino namang kausap ni kuya? Sinasapian na ata. Tatawag na ba ako ng albularyo?



"Tara bili na tayo ng ice cream." Aya ni Nef.



"Libre mo 'ko." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.



"Kiss muna." Sabi naman niya sabay lapit ng pisngi niya sa mukha ko.



"Pikit ka muna." Sabi ko sa kanya.



Pumikit naman siya at naghintay sa halik ko. Hinila ko naman si Zayen para sabihing siya ang humalik, nung una ay ayaw pa niya pero sa huli pumayag din.



"Ang tagal naman nangangawit na ako." Reklamo ni Nef.




Kawawang Nef



Dahil sa dakilang maloko si Zayen ginawa naman niya yung sinabi ko. Nagpabilang pa ang loko. Kami naman nila kuya ay nagpipigil ng tawa.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now