Chapter 22

19 5 0
                                    


After 6 months......




"Baby, I'm sorry I have to go." Nagmamadaling paalam ni Aiken.




"Ha? Teka aalis tayo di ba?" Tanong ko sa kanya.




"Yeah, but I have to go, importante kasi 'to. I'm sorry." Sabi niya saka hinalikan ako sa noo.




"Paano na yung........ monthsary natin." Sabi ko at bulong nalang iyong huli kong sinabi.




Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa niya. Monthsary namin ngayon pero mukhang nakalimutan ata niya, hindi man lang ako binati bago siya umalis.




Wala na akong nagawa kundi ang hayaan nalang siya, syempre nakaalis na eh ano pa bang magagawa ko? Hayst.




"Akala ko ba aalis kayo ni Aiken?" Nangibabaw ang boses ni kuya habang nagiisip ako.




Wala, nilayasan ako!




"May importante daw na pupuntahan." Sagot ko.




"Mas importante pa sa monthsary niyo?" Mapangasar na tanong niya pa.




"Kuya naman eh! Kita na ngang nagdadalamhati yung tao eh!" Inis na sabi ko.





"Nagdadalamhati?" Natatawang tanong niya. "Patay na ba si Aiken?" Dagdag na tanong niya.




"Oo, kakapatay ko lang actually." Sarcastic na sagot ko.




Natawa nalang siya at nailing.




"Sumama ka nalang sa 'kin pupunta ako sa mall." Sabi niya at naglakad na.




Napabuntong hininga nalang ako at pabagsak na naupo. Wala na akong magagawa kung hindi sumama, sayang din ang effort ko sa pagbibihis.




Habang hinihintay si kuya ay nag scroll muna ako sa Facebook ko, sakto naman na pag online ko ay nag-chat si Zayen.




Zayen Silvero: Hi Kyn-kyn! Musta na?




Laikyn Velasquez: Eto iniwan ng jowa ko:(




Zayen Silvero: Nag-break na kayo?! Ayos yan ako nalang ipalit mo;)




Laikyn Velasquez: Tange hindi! Mamatay ka muna bago mangyari yon!




Zayen Silvero: Ang hard mo naman sa 'kin, pero matagal na akong patay, patay na patay sayo! Boom!




Laikyn Velasquez: Korni mo tanga! Kahit kailan ka talaga! Hahaha!




Zayen Silvero: Sus! Sabihin mo kinilig ka lang!




Laikyn Velasquez: Kung kikiligin ako kay Aiken lang!




Zayen Silvero: Awts gege.




Laikyn Velasquez: Hahahaha! Sige na aalis pa kami ni kuya. Bye!




Zayen Silvero: Sige, ingat kayo. Sabihin mo kay Aiken paki ingatan ng mabuti 'yang puso mo baka magulat nalang siya ako na nag-iingat ng puso mo.




Natawa nalang ako sa chat niya at hindi na siya sinagot pa. Sakto namang dating ni kuya kaya naman agad na kaming pumunta sa mall.




Balak ko nalang sana mag me time ngayon dahil iniwan ako ng magaling kong jowa, pero ayos na rin yun at sinama nalang ako ni kuya sa lakad niya. May magbabayad ng mga bibilhin ko. Hahaha!




The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now