Chapter 27

24 5 0
                                    


"Can we talk?" Bungad ni Aiken.



Tinignan ko siya ng matagal at napansin na wala siyang tulog at magulo ang buhok, amoy ko rin mula sa kinatatayuan ko yung alak. Mukhang kagagaling sa inuman.



"Amoy alak ka, bakit ka pa nag drive papunta dito?" Malamig na tanong ko.



"I badly need to talk to you, baby." Sabi niya.




"Anong pag-uusapan natin?" Bored na tanong ko.



"About what you saw at the mall," Sabi naman niya.



"Ahh, alin doon? Yung mga damit ba na nagustuhan ko? Bags? Shoes? Perfumes?" Tanong ko kahit na alam ko naman na ang tinutukoy niya.



"Hindi, yung nakita mo ako na may kasamang babae," Diretsyong sabi niya.



Wow ah? Parang di girlfriend ang kausap. Sabihin ba namang may kasamang babae? Parang pinatunayan na rin niya na wala na lang ako sa kanya. Hanep na yan!



"Oh? Tapos?" Sabi ko na parang bored na bored na sa kanya.



"That's my cousin. Tinawagan ako ni Tita at sabi niya may emergency daw at kailangan na daw ako agad kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sayo. Pagdating ko naman sa bahay ay wala naman pala talagang emergency, gusto lang magpasama ni Monic na mag-shopping. Hindi naman ako pumayag at sinabing may date tayo kasi monthsary natin pero hindi siya nagpapigil kaya sumama nalang ako. I'm sorry, Kyn, baby," Paliwanag niya.



"Ah okay," Sabi ko nalang.



Wala kasi akong masabi, baka anytime e pumatak ang mga luha ko. Ngayon naiintindihan ko na at tanggap ko ang paliwanag niya. Alam ko naman na nagsasabi siya sa 'kin ng totoo. Nakakatampo lang kasi imbes na ako yung kasama niya e pinsan niya ang kasama niya.



"What do you mean?" Tanong niya.



"Okay. As in okay," Sabi ko.



"Okay baby, I'm sorry, okay? Hindi ko naman ginusto na makasama yun......ikaw ang gusto kong makasama......Nang makita kitang tumatakbo palabas ng mall iniwan ko na siya agad kasi alam ko na yung dahilan kung bakit ka tumakbo.....Naabutan ko kayo ng kuya mo na nag-uusap tapos bigla ka nalang tumakbo palayo.....susundan sana kita kaso pinigilan ako ng kuya mo....ang sabi niya ay bigyan muna kita ng time kaya wala akong nagawa.....ikaw lang laman ng isip ko nung mga oras at araw na hindi kita kasama.....iniisip ko kung ayos ka lang ba? Kung anong nangyayari sayo.....Sa—-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko iyon.



"Tama na," Pagpuputol ko sa sasabihin niya.



Tinignan naman niya ako na nalilito dahil sa sinabi ko. Tinignan ko lang siya ng seryoso.



"Ayos na, naiintindihan ko, alam ko naman na nagsasabi ka ng totoo. Nakakatampo lang kasi imbes na ako yung kasama mo e yung impakta mong pinsan ang kasama mo," Sabi ko na nagpalaki ng mga mata niya. "Pero ayos na basta bumawi ka sa 'kin ah? Saka fake drama ko lang yun hahaha! Alam ko naman na sa 'kin ka pa rin naman babalik," Proud na sabi ko.



Napangiti naman siya sa sinabi ko at mabilis niya akong niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik at doon nagsilabasan ang mga luha ko. Grabe namiss ko siya ng sobra.



"Namiss kita," Sabi ko habang umiiyak.



"I miss you too, baby," Sabi niya.



"Ikaw kasi eh! Huhuhu," Pambibintang ko sa kanya.



Aba kasalanan naman talaga niya kung bakit namin namiss ng ganito ang isat isa!



"Sorry na nga e," Natatawang sabi niya.



Pinalo ko naman siya sa likod kaya napa daing siya sa sakit. Humiwalay na ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. Tinanggal naman niya ang mga kamay ko at siya na mismo ang nagpunas saka niya ako hinalikan sa noo pababa sa ilong at syempre ang pinakatarget talaga niya ang labi ko.



"Get your things now, may pupuntahan tayo tapos hatid na kita sa inyo," Sabi niya.



"Paano yung kotse ni kuya?" Tanong ko sa kanya.



"I don't know," Sabi niya.



"Ipapahatid ko nalang bukas kay Yngrid. Hintayin mo 'ko diyan kukunin ko lang yung gamit ko at magpapaalam," Sabi ko.



Tinanguan niya lang ako at ngingitian. Pumasok na 'ko sa loob at nakita ko sila Denver at Yngrid sa sala.



"Kamusta usapan niyo?" Bungad sa 'kin ni Yngrid.



"Okay na kami," Nakangiting sabi ko. "Kukunin ko na yung gamit ko, may pupuntahan daw kami," Sabi ko.



"Paano yung kotse ng kuya mo?" Tanong ni Yngrid.



"Yun na nga, pwede favor? Paki hatid nalang bukas sa bahay," Sabi ko sa kanya.



"Hanep! Lalandi nalang namerwisyo pa!" Sabi niya.



"Please," Sabi ko with beautiful eyes.



Natawa naman siya sa itsura ko.



"Tigilan mo na yan ang panget mo tanga. Osya, basta ililibre mo 'ko," Pagpayag niya.



Natuwa naman ako sa sinabi niya at agad siyang tinakbo para yakapin.



"The best ka talaga!" Sabi ko sa kanya.



"Oo na, kuhanin mo na yung gamit mo at naghihintay na yung jowa mo!" Yngrid.



"Thank you, talaga!" Sabi ko bago kuhanin ang gamit ko sa guest room.



Bag lang naman iyon kaya hindi ako nagtagal. Paglabas ay inabot ko na agad kay Yngris iyong susi ng kotse at nagpaalam.



"Ingatan mo kotse ni kuya ha," Pahabol ko.



"Wag ka mag-alala ibabangga ko lang naman 'to," Natatawang sabi niya.



"Ibangga mo at ng hindi kana sikatan ng araw kinabukasan," Pagbabanta ko.



"Psh! Sige na umalis kana hinihintay kana ng Aiken mo!" Pagtataboy niya.



"Oo na!" Sabi ko.



Bago ako makalas ng pinto nila ay may naalala ako.



"MAMSIII!!! AALIS NA PO AKO! OKAY NA PO KAMI NI AIKEN KAYA DON'T WORRY NA PO!" Malakas na sigaw ko.


"Hoy Laikyn! Aalis ka nalang nambubulabog ka pa ng mga kapitbahay namin!" Saway sa 'kin ni Yngrid.


"Sorry," Sabi ko with peace sign.


Nang makalas ay may bigla nalang sumigaw.



"KUNG AYAW NIYO MATULOG, MAGPATULOG KAYO!" Malakas na sigaw ng kapitbahay nila Yngrid.



"SORRY PO!!" Sigaw ko naman pabalik at natatawang lumapit kay Aiken na naiiling na nakatingin sa 'kin.



"Ingay mo," Sabi niya ng makalapit ako.



Tinawanan ko lang siya at saka na pumasok sa kotse niya. Pagpasok niya ay agad na niyang pinaandar ang kotse niya at nagbiyahe na kami kung saan.



"You'll going to meet my parents," Pambabasag ni Aiken sa katahimikan.



"W-WHAAATTT?!" Gulat na tanong ko.



"I'll going to introduce you to my parents," Sabi niya.



Pakining shet! Kinabahan tuloy ako, akala ko naman babawi na siya yun pala ipapakilala na niya ako kila future mommy and daddy hihihi. Good luck nalang sa 'kin.


-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now