Chapter 10

26 5 0
                                    



Nakatingin lang ang ako sa kamay ni Aiken na nakahawak sa aking kamay. Hindi ko inaasahan na hahawakan niya ako. Hila-hila niya ako hanggang sa makarating kami sa harap ng kanyang sasakyan. Binuksan niya ito at tinignan ako.



"Get in." Sabi niya.



Wala naman akong magawa kaya pumasok nalang ako sa loob ng kotse. Sinarado niya ito at umikot papunta sa drivers seat. Pagupo niya ay nilagay niya sa backseat ang mga binili ko kanina.



Walang sereseremonyas na lumapit siya sa akin at hinila ang seatbelt sa gilid ko. Pigil ko ang hininga ko habang nasa harap ko ang mukha niya. Na amoy ko naman kaagad ang mamahalin niyang pabango.



Pagkatapos ayusin ang seatbelt ko ay tumingin siya sa mukha ko. Nagulat naman ako kaya nanlaki ang mata ko at nahugot lalo ang hininga ko.



"Breath." Sabi niya at bumalik na sa upuan niya.



Tengene nemen!



Dun lang ako nakahinga ng maayos at umayos ng upo. Tahimik lang kami habang tinutungo namin ang pauwi sa bahay namin. Tulad ng sabi ko kanina ay malapit lang ang village namin kaya nakarating kami agad.



Bumaba siya agad at pinagbuksan ako ng pinto. Wow, gentlemen. Masyado ata niyang pinaninindigan yung sinabi niya sa 'kin kaninang umaga. Oo, nagets ko na yung meaning kaninang kumakain ako sa convenience store.



Kinuha naman niya yung mga pagkain sa backseat at ibinigay sa 'kin yon.



"Can you walk?" Tanong niya.



Ngayon mo pa talaga itatanong sa 'kin yan? E kanina nga kulang nalang kaladkarin mo ako tapos ngayon magtatanong ka ng Can you walk? Pigilan niyo ako sasamain sa 'kin 'to kahit crush ko 'to.



"Hmm oo, thank you pala kanina." Sagot ko.



"You sure you're okay now?" Tanong ulit niya.



Jusko! Tama na ang tanong mo! Hihimatayin na ako sa kilig nito!



"Oo no! Malayo sa bituka 'to." Sabi ko habang tumatawa.



Napatingin naman ako sa kanya at nakitang titig na titig siya sa 'kin kaya napahinto tuloy ako sa pagtawa ko. Awkward.



"You look beautiful when you're laughing." Sabi niya.



"Ha?" Tanong ko.



Wag kayo narinig ko yun! Kaya lang gusto ko ulit marinig medyo lutang ako kanina pero rinig ko pa rin. Hihihi.



"Nothing. I'll go now. You need to go inside too. I think your brother is worried right now. Goodnight." Sabi ni Aiken.



"Uh, sige ingat sa paguwi. Goodnight." Sabi ko saka na tumasok sa loob.



Tengene ubos baon kong english ngayong araw dahil sa kanya. Wala naman pala akong sinabing english kanina. Papahirapan ko pa ba yung sarili ko sa pag eenglish kung nakakaintindi naman siya ng tagalog. Diba?



Pagpasok ay agad akong dumiretso sa kwarto ni kuya para ibigay yung pinabili niya.



"Bakit natagalan ka yata?" Tanong niya.



"Hindi na kasi kinaya ng gutom ko kaya dun na ako kumain." Sagot ko naman.



"Okay." Sabi niya at humarap sa 'kin. Sakto naman na napatingin siya sa paa ko. Napatayo si agad at niluhod iyon.



"What happened to your foot? Are you okay?" Nagaalalang tanong niya.



Isa pa 'to si kuya e, sapatusin ko 'to. Hirap na hirap na nga ako kanina sa english ni Aiken tapos pati siya eenglishin ako? Aba! Parusa na sa 'kin ito!



"Ayos lang ako kuya, may nakabasag lang sa store tapos tumalsik yung bubog sa paa ko kaya nasugatan ako. Ginamot na rin yan ni Aiken." Paliwanag ko sa kanya para hindi na siya mag-alala. Ayoko pa naman na nagaalala si kuya dahil masyado siyang oa.



Tiningala naman niya ako "Kasama mo si Aiken kanina?" Tanong niya.



"Hindi, nakita ko lang siya nung nasugatan ako. Nagprisinta siya na gagamitin niya daw yung sugat ko saka hinatid rin niya ako dito." Paliwanag ko ulit.



Tumayo na siya at tinap ang ulo ko sabay kiss sa may sintido. Napaka sweet talaga ng kuya ko, kaya lab na lab ko 'to eh.



"Mabuti naman at ayos ka lang, pasasalamatan ko na din si Aiken sa ginawa niya." Sabi naman niya. "Teka, yung sukli ko hindi ko makakalimutan yon." Dagdag pa niya sabay lahad ng palad niya sa 'kin.



Pinalo ko naman yun at tinignan siya "Akin na yun no! Pinagod mo 'ko saka bayad na rin kasi nagpabili ka." Sabi ko habang tumataas pa ang kilay at nakangiti.



"Sige, sayo nalang basta pag nagdala ako ng babae dito wag mo na silang awayin." Sabi niya.



"Ayoko nga! Pag gusto ko na para sayo yung babae na dadalhin mo hindi ko siya aawayin pero pag ayaw ko aawayin ko pa rin sila." Sagot ko naman.



Wala akong care kung hindi kana magka girlfriend basta alam ko na hindi ka masasaktan ayos lang.



"Tsk. Bumalik kana nga dun sa kwarto mo." Inis na sabi niya.



Natawa naman ako at niyakap si ng mahigpit "Ako pipili ng girlfriend mo tandaan mo yan kuya." Sabi ko at humiwalay na sa yakap at hinalikan naman siya sa pisngi "Goodnight kuya! I love you!" Sabi ko ng nakangiti.



Bumuntong hininga naman siya at nginitian din ako "Goodnight pandak! I love you too!" Sagot naman niya.



Kumakaway naman ako sa kanya habang sinasara niya yung pinto niya. Natawa naman siya at sinara na ng tuluyan ang pinto ng kwarto niya.



Naglakad naman ako papunta sa kwarto ko. Pagpasok ay agad akong umupo at pinatong sa table yung pagkain na binili ko. Pinagmasdan ko yung paa ko at napangiti nalang ako sa ideyang ginamot ni Aiken ang sugat ko. Saka syempre yung paghatid niya.



Nahiga ako sa kama ng may ngiti inalala ang sinabi niya kanina nagpabilis ng sobra sa tibok ng puso ko, dinaig pa ang karera ng mga kabayo. Hihihi.



You look more beautiful when you're laughing.



You look more beautiful when you're laughing.



You look more beautiful when you're laughing.



Shet! Ang sarap sa ears marinig mismo sa kanya yung mga salitang iyon. Kinikilig na naman tuloy yung mga organs ko! Hihihi.



"Masyado mo akong binabaliw Aiken." Bulong ko ng nakangiti.



Nasira naman ang pag momoment ko ng tumunog ang cellphone ko. Tumayo naman ako at kinuya yun para tignan. Message galing sa unknown number.



Sino kaya 'to.


From: +639*********
Stop thinking of me, I can't sleep.


-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now