Chapter 12

24 5 0
                                    


"Saan punta natin kuya?" Tanong ko.



Papunta na kami ngayon sa pupuntahan ni kuya. Sa tingin ko sa mall kami pupunta dahil sa dinadaanan namin.



"Mall, nandun din sila Zayen bonding daw, pinasama ka." Sagot ni kuya.



Wow, talagang belong ako sa group of friends nila ah? Ayos na rin yun para dumami friends ko, bukod kasi kay Yngrid wala na.



"Bonding? Sanaol!" Natatawang sabi ko.



Pagdating ay dumiretso muna kami sa parking lot para mag park, dito kasi ang napag-usapan. Ilang meeting place nila. Sanaol talaga.



Pag park namin ay nakita ko agad sila na nakatayo na at mukhang kami ni kuya nalanv ang hinihintay nila.



Lumabas na kami ng kotse ni kuya at pinuntahan sila. Inip na inip na ang mga pagmumukha nila ng malapitan namin sila.



"Ang tagal niyo naman, kanina pa kami dito." Reklamo ni Zayen.



Hindi ko pa nga pala nakakalimutan ang atraso sa 'kin ng lalaking ito. Humanda ka sa 'kin ngayon.



"Hello!" Sabi ko sa kanya na may nanlilisik na mga mata.



"Woah!"



"Lagot ka bro!"



"Spaceship pa!"



Rinig kong kantyaw nila sa tabi niya.



"H-hi Kyn-Kyn!" Hindi mapakaling bati ni Zayen.



Ano ka ngayon? Ako pa talaga pinagtripan mo ah? Humanda ka!



"Punyemas ka! Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo nung isang gabi?! Humanda ka ngayon sa 'kin" Galit na sabi ko. Agad naman siyang tumakbo kaya hinabol ko siya.



"Waaaaa sorry na!" Sigaw niya.



"Walang sorry sorry!" Sabi ko naman.



"Joke lang naman iyon e! Sorry na!" Sigaw na naman niya.



"Ramdam mo ba na nakikipag-biruan ako sayo nung isang gabi?! Ha?!" Sigaw ko "Sinira mo nga pagmomoment ko tapos sisirain mo pa pati gabi ko?!" Dagdag ko pa.



"Sorry na nga e!"



Halos na ikot na namin ang buong parking lot dahil sa pagtakbo niya. Yung mga kasama naman namin e pinagtatawanan lang kami.



Nang sa wakas e nahuli ko siya, agad akong sumampa sa likod niya sinakal sakal siya. Panay naman ang piglas niya at pag ubo.



"Hoy Aaren tanggalin mo nga sa likod ko si kyn-kyn!" Paghingi niya ng tulong.



"Hindi ko mapipigilan yan hanggat hindi nakakaganti yan!" Sigaw naman niya at nagtawanan sila.



"Kyn tama na mapapatay mo na ako!" Sabi ni Zayen.



"Talagang mapapatay kita!" Inis na sigaw ko.




"Mapapatay sa pagmamahal mo?" Banat niya pa.



"Aba't humihirit pa!" Nanggigigil na sabi ko.




Panay ang ubo niya at nakita kong namumutla na siya kaya tinigilan ko na ang pagsakal sa kanya at kinagat ko nalang yung tenga niya.



The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now