Chapter 25

27 5 0
                                    


Pagdating sa bahay nila Yngrid ay agad akong pumasok sa bahay nila ng hindi nag papaalam. Nakita ko naman silang lahat sa may sala nila at nagtatawanan. Nalipat naman agad sa 'kin ang tingin ni Denver ng mapansin niya ako.




"Kyn-kyn anong ginagawa mo dito? Miss mo na naman ba ako?" Pang aasar niya.




Kung hindi lang ako ganito ngayon baka sinakyan ko pa yung pang aasar niya pero hindi eh. Tinignan ko si Yngrid at saktong pagtingin ko sa kanya ay tumulo ang luha ko.





Agad naman siyang tumayo ng mapansin niya 'yon. Paglapit niya sa 'kin ay agad ko siyang niyakap at humagulgol sa may balikat niya. Hindi ko na napigilan ang maiyak.




"Uy anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong niya.




Hindi ko naman siya nasagot dahil sa pag-iyak ko. Panay ang patahan niya sa 'kin pero hindi talaga niya ako mapatahan kaya naman pinaupo niya ako at kumuha siya ng tubig para makainom ako.




"Anong nangyari sayo Kyn-kyn? May nangyari ba sa bahay niyo?" Nagaalala din na tanong ni Denver.




Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Dumating naman si Yngrid at umupo sa may tabihan ko.




"Kyn-kyn inom ka muna ang dami mo ng niluha baka mawalan na ng tubig ang katawan mo." Biro ni Yngrid.




Pero hindi ko magawang tumawa dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kinuha ko naman 'yong tubig at uminom ng kaunti. Hinintay nila na tumahan ako bago sila magtanong ulit kung anong nangyari.





"Anong nangyari Laikyn anak?" Tanong ni mamsi.





"Si Aiken po kasi..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maiyak na naman ako.





"Anong nangyari kay Aiken?" Tanong ni Denver.





"Nakita ko kasi siyang may kasamang babae, iniwan niya ako para doon, kinalimutan din niya ang monthsary namin." Umiiyak na sabi ko.





Alam kong maliit na bagay lang iyong pagkalimot niya sa monthsary namin pero ang makita siyang may kasamang ibang babae ay hindi ko na makakaya pa. Kaya naman pala panay ang pagharang ni kuya sa 'kin ay yun pala makikita ko ang boyfriend ko na may kasamang iba.





"Shh... Tahan na, bakit hindi mo muna pakinggan ang paliwanag niya?" Sabi ni Yngrid.





Umiling iling ako habang nakayakap sa kanya.





"Hindi ko kaya, baka ano ang masabi ko at magawa sa kanya." Sabi ko.




Humiwalay naman siya sa yakap at tinignan ako upang punasan ang mga luha sa 'king mukha.





"Sige, dito ka muna sa 'min at magpalamig ka muna. Kapag kaya na, haharapin mo na. Okay?" Seryosong sabi niya.




Tumango nalang ako sa kanya at niyakap ulit. Pagkatapos ay hinatid niya ako sa bakanteng kwarto nila, dito rin ako tumutuloy kapag nakikitulog ako sa kanila.





Pagpasok sa kwarto ay umupo ako sa dulo ng kama. Tinignan ko siya at nginitian ng pilit.





"Salamat Rid," Sabi ko sa kanya.




"Wala 'yon, ikaw pa? Alam mo naman lagi kang welcome dito para na rin kitang kapatid ano." Nakangiting sabi niya.





Tumayo naman ako at agad na lumapit sa kanya para yakapin siya. Natawa naman siya at niyakap nalang ako pabalik.





"Nagiging hubby mo na ata ang pagyakap sa 'kin ngayon ah?" Sabi niya. "Bakit hindi si kuya ang yakapin mo?" Dagdag pa niya.




Sinamaan ko naman agad siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.




"Sige na, maligo kana may damit ka pa naman ata diyan sa drawer."





"Hmm. Thank you."





Pagkatapos magpasalamat ay agad na siyang lumabas ng pinto. Ako naman ay naupo muna sa dulo ng kama. Nakatulala ako ng maalala ko yung nakita ko nung isang araw sa mall.




"Kuya ano ba?! Akala ko ba nagmamadali ka?!" Inis na tanong ko.




Kanina pa kasi niya ako hinaharang tapos ayaw pa patinginin sa kung saan. Hindi ko alam kung ano na namang trip ni kuya. Mukha na nga kaming nagpapatintero dito sa tapat ng fitting room.




"Alam mo kuya kung gusto mo maglaro ng patintero sa bahay nalang makikipaglaro ako sayo sige." Sabi ko at akmang titingin sa may likuran niya ng hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa kanya.





"Babalikan nalang natin yan mamaya, makakapaghintay naman yan saka hindi diyan ang daan doon." Sabi niya habang naturo sa may kaliwa.




Kinunutan ko naman siya ng noo at tinignan ang sinabi niya na dadaanan namin imbes na dumiretso.





"Kuya kapag diyan tayo dumaan eh hindi naman tayo makakalabas, may powers ka ba para dumaan sa salamin?" Takang tanong ko.




"Basta doon tayo dadaan." Pagpipilit niya.




Kung mapilit si kuya mas mapilit ako, hindi ako magpapatalo.




"Hindi kuya, doo—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng pagkaharap ko ay nakita ko ang lalaking kilalang kilala ko. Hubog ng katawan, itsura sa likod, buhok, lahat.




Si Aiken..... may kasamang babae.





Hindi ko mamalayan na umiiyak na pala ako kung hindi ko lang naramdaman ang mga kamay ni kuya na pinupunasan ang basang basa kong pisngi.




Tinignan ko siya sandali at nilipat ulit ang tingin sa lalaking mahal ko at sa kasama niyang babae. Palipat lipat lang ang tingin ko sa dalawa ng maramdaman ko ang paghila ni kuya sa 'kin palabas ng store.





Nadaanan namin sila pero parang mga walang pakiramdam at parang sila lang ang tao sa loob ng store, wala silang pakealam kahit na anong ingay at tawa nila.





Bakit Aiken?





Hindi ko na naman napigilan ang pag iyak ko kapag naiisip ko yung eksena na 'yon. Tinuyo ko ang pisngi ko at tumayo na para maligo.




Pagpasok sa banyo ay agad akong nagbabad sa shower. Tulala lang ako habang panay ang labas ng tubig sa shower. Isang oras din akong ganoon ng mapagdesisyonan ko na maligo na talaga, yung totoong ligo, yung hindi lang magbabasa sa shower.





Paglabas ko ay agad kong hinanap ang mga damit ko sa may drawer. Nagiiwan kasi ako dito ng damit para kapag naisipan kong matulog dito ay may magamit ako para hindi na rin ako umuwi sa bahay, biglaan kasi ako kung magdesisyon.




Pagkatapos magbihis ay agad nahiga sa kama. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko. Tulala na naman ako sa mga oras na yun at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Dahil na tin siguro sa pagod sa pag-iyak.


-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now