Charpter 1: Unfamiliar

7.4K 169 9
                                    

"Ms. Charlotte!" nagising si Charlotte ng may marinig na katok sa kwarto niya.

"Shoot!" bulas niya, at nagmamadaling buksan ang pinto ng kwarto sa pag aakalang malelate na siya sa isang conference kung saan siya pa naman ang speaker. Ngunit nagulat siya ng pagbukas niya ng pinto ay isang babae na nakasuot ng maid uniform ang tumabad sa kanya.

Anong pakulo ang ginagawa ng hotel management ngayon? Cosplay?

"Miss, pinapapunta po kayo ng iyong Daddy sa study niya"

"Sino?" nagugulong tanong niya. Saka lang niya napagtanto na iba na ang background sa labas ng kwarto niya. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Hindi ito ang hotel! Nasaan ako? Sino siya? Sino'ng Daddy?, natatarantgang sigaw niya sa isip. Pinilit niyang kumalma at nag aktong hindi nag papanic.

"Yung Daddy niyo po Miss" sagot ng katulong.

"Sige, saglit lang. Let me fix myself"  aniya. Nang isasara na niya ang pinto, bigla niyang naalalang di niya pala alam kung nasaan ang study ng kunwa'y ama niya!

"Wait! Samahan mo ko sa study ni Daddy. I'm afraid, nanaginip akong may multo sa bahay" pagpigil niya sa katulong na papaalis na sana. Nagugulohan man, nabenta sa katulong ang rason niya. Gusto niyang ikalma ang mabilis na tibok na puso niya. Kinurot ang sarili at sinipa ang mesang nakita niya sa pag aakalang nanaginip lang siya. Ouch! Ang sakit!  Ano nangyayari? Lord, bakit ako napadpad dito?  Bakit ako nandito?!

Nakita niya ang isang bag sa sofa, dali dali niyang tinignan ang loob at kinuha ang wallet. Andun ang mga IDs at mga debit and credit cards nito. Kinuha niya ang ID.

Charlotte Aria Mac Gregor. Pamilyar sa kanya ang pangalan. Pinilit niyang alalahanin kung saan niya nabasa or nakilala ito. 

Lord, bakit sa katawan niya pa ako napunta?!  naalala niya na ang original na may ari ng katawan ay kontrabida ng binababasa niyang nobela bago natulog. Hindi siya nawalan ng gana kahit kapangalan niya pa ang kontrabida sa kwento. Bagkus, ipinagpatuloy niya pa ang pagbabasa.

Isa itong spoiled at anak sa isang mayamang prominente ng Pilipinas! Dahil na love at first sight ito sa bidang lalaki, ginagawa niya lahat para mapansin lang nito. Iniiskandalo niya ang mga babaeng lumalapit o nalilink dito. Pinipilit ang sarili sa bidang lalaki.

Dahil nga spoiled at may attitude, hindi ito nagustohan ng bidang lalaki at nakilala nito ang bidang babae sa isang kilalang restaurant ng bansa. Ang kwento nila ay maala Cinderella at siya ng kontrabidang madrasta ng mga ito. Dahil in love na in love na ang bidang lalaki sa bidang babae, dumating sa punto na sinet up niya ang bidang babae. Sa engagement party ng mga bida, nilagyan ng aphrodisiac at pampatulog ang inumin nito, only to back fire at her!

Nalaman kasi ng pangalawang bidang lalaki (supporting male lead) na in love din sa bidang babae ang plano niya. Nagising na lang siya sa isang hotel room kung saan ginanap ang engagement party  na wala ng saplot at may mga mantsa ng dugo ang kama na tinutulogan niya. Naalala niya ang mga barumbadong inupahan niya para halayin ang bidang babae. Dun siya nawalan ng lakas, at sa isiping nahalay siya ng mga ito ay ginusto nitong magpakamatay sa kahihiyan. Dahil nalaman ng mga bida ang mga plano niya, sa sumbong na rin ng supporting male lead, siya ay kinasuhan ng mga ito. Inilabas din ng mga ito ang mga pinanggagawa niya noong habol habol niya ang bidang lalaki. Sa hiya at kawalan ng pag asa, uminom siya ng maraming sleeping pills at namatay sa overdose. At namuhay ng masaya ang dalawang bida.

Kawawa naman ang kontrabida. Although nakakainis at nakakagalit mga pinag gagawa niya, nagawa lang naman niya yun dahil sa labis na pagmamahal sa bidang lalaki. Naalala niya ang binulong sa sarili bago siya makatulog. 

Gustohin man niyang mag muni muni ay hindi pwede given the situation.  Inalis niya ang isip sa nangyari at dali daling tumayo. Nahirapan pa siyang hanapin ang CR dahil may tatlong pinto pa sa loob. Nang mahanap, dali dali siyang naghilamos at nag toothbrush. 

Nagulat pa siya ng makita ang sarili sa salamin. Maraming nagpupuri sa kanya dahil sa ganda niya. Hindi man siya maputi, hindi din siya maitim. Makinis ang kayumangging balat niya kahit madalas siyang nagbibilad sa araw dahil sa uri ng trabaho at passion niya. Ang babaeng nasa salamin, ay may mahahabang pilik mata, at kung titignan sa malapitan nakita niya na isa siya may tinatawag na "double eye lashes" na nag eenhance sa mapang akit at mapupungay niyang mga mata. Sobrang puti niya na halos kakulay na niya ang snow  nung magbakasyon silang magpamilya sa Japan. In short, sobrang ganda at sexy niya! Gusto pa sana niyang pagmasdan at purihin ang sarili ng maalalang may naghihintay sa kanya.

Nang matapos, sinadya niyang bagalan kunti ang lakad para mauna sa kanya ang katulong. At dahil nasa likod siya nito, pinagala gala niya ang mata. Nakikita niya ang mga naglalakihang paintings at palamuti na sa tantiya niya ay mga mamahaling antique. Although galing din siya sa pamilyang may kaya, milya milyang layo naman ang pagitan sa yaman ng mga ito.

Tumigil sila tapat ng isang nakasaradong pinto na mukhang study na ng ama niya.

"Thank you" sabi niya sa katulong na labis ikinagulat nito. Di na niya nakita ang reaksyon sa sinabi dahil kumatok na siya at pumasok sa loob.

"What is the meaning of this?!" Bulyaw agad ng ama niya saka inihagis nito ang mga papeles na hawak sa kanya.

Sa labis na takot, yumuko siya at parang maiyak iyak na pinupulot ang papel na hawak nito. Andun ang mga larawang kuha kung saan may sinabunotan siyang babae, may binuhosan ng alak, at kung ano ano pa.

Nanginginig na binasa niya rin ang laman ng diyaryo kung saan isiniwalat ang ginawa niyang pakikipag usap sa mga lalaki at ang larawan ng paglagay niya ng kung ano sa inumin ng bidang babae. Halos maiyak na siya, dahil sa lahat pa ng panahon na mag transmigrate, doon pa sa panahon kung saan patapos na ang kwento ng dalawang bida.

Bakit hindi man lang ako napunta kung saan unang nakita ng kontrabida ang bidang lalaki! Nang sa ganoon may panahon pa ako para bagohin ang kwento at iiwasan ang mga bida. Naiiyak na sambit niya sa sarili dahil sa problemang ginawa ng orihinal na katawan.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now