Chapter 11

5.1K 126 0
                                    

SPG R-18

Follow my wattpad account

___________________________________

Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at kahit papano ay pinapatira pa naman ako ng parents namin sa bahay kahit ayaw na ayaw ng mga ito saakin at everytime na tinitignan nila ako ay nakikita ang pagkamuhi nila saakin at sanay na naman ako.

Papasok pa lang ako ng marinig ko ang ingay sa sala. Gusto ko sanang hindi na tumuloy pagpasok dahil alam kung papagalitan ako ngunit huli na dahil ang attention ng mga bisita ni ate Vicky ay nasa akin na.

Nagtama ang tingin namin ng katabing lalaki ni ate Vicky at mabilis ako na nagbawi ng tingin at nang bumaling ang attention ko kay ate sinalubong ako nito ng masamang tingin iyong tipong patay kana dahil sa talim nito.

Nagmadali akong naglakad para makapunta na ako sa itaas. Huli ko pang narinig na " Diba iyon iyong kapatid mo na kinukwento mo saamin na masama ang ugali." mas lalo ko pang binilisan ang aking hakbang ng marinig iyon.

Sa mata ng mga kaibigan,kaklase ni at at aming mga magulang ang sama kong tao kaya hindi naako magtataka na maraming ayaw saakin sarili ko ngang magulang ayaw saakin paano pa kaya ang ibang tao.

Napadalas ang dalaw ng mga kaibigan ni ate sa bahay at sa tuwing naroroon sila ay hindi ako lumalabas ng kwarto dahil kabilin-bilinan iyon ni ate saakin.  Ngayon ay tanaw ko ang mga ito sa pool ng aming bahay.

Ilang minuto pa ay nakaramdam ako ng uhaw kaya kahit na sinabihan ako na bawal bumaba ay bumaba ako. Uhaw na uhaw na talaga ako e. Nang makababa kumuha ako ng baso at pitcher sa ref na naglalaman ng tubig.

"So ikaw pala ang kapatid ni Vicky."

"Ay palaka!" naibulaslas ko tuloy iyon dahil sa gulat ko. Tinignan ko kung sino ang nagsalita at ng mahanap ko kung sino ay nagsalubong bigla ang aming tingin tila hinihintay nito na mangyari iyon.

The boy chuckle kaya napatingin ako ulit rito at madali ko namang iniwas.

"Am I look a frog to you?" dali dali akong umiling.

"Ay sorry po hindi naman po nagulat lang po ako wala po kasing tao diyan kanina" tumango ito.

"Looks really can be deceiving huh!"  Ramdam ko ang masamang tingin nito kaya binalik ko na kaagad ang pitcher sa ref.

"Kuya alis na po ako."kumaripas ako ng takbo ng mangyayari iyon.

Sinara ko ang pinto at doon sumandal dahil sa bilis ng aking takbo ay hinihingal paako napahawak ako sa aking dibdib.

Hindi lang iyon ang naging interaction namin naging marami pa at palagi ako nitong sinasabihan ng masasakit na salita. Hindi ko alam kong bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi ng mga kaibigan at nang boyfriend ni ate Vicky.

Sa dalawang taon ko sa modeling ay nakilala at napalapit ako kay tita Irene at tita Iggy they are like my two mother's they genuinely care for me and I appreciate it.

Naging mas close kami ng dalawa na may pagkakataon pang inaanyayahan ako ng mga ito na sa kanila naako tumira. Alam din ng mga ito ang pangyayari saakin buhay kaya siguro kami mas napalit sa isat-isa.

"Ipapakilala kita saaking anak Valencia tiyak na magugustuhan mo ang aking anak o di kaya magugustuhan ka nito. Iyon nga lang may girlfriend ito at ayaw ko talaga sa girlfriend niya Valencia dahil wala na itong masyadong oras saakin at mukhang pera ang rami ba namang pinapabili sa aking anak."

A Wife's Tears(Book 1) Where stories live. Discover now