Chapter 47

3.7K 70 3
                                    

Si Aziel lahat ang may dala ng aming luggage. Gusto ko siyang tulungan dahil kaya ko naman pero matigas talaga ang ulo nito kaya pinabayaan ko na lamang.

Nakasunod kami sa kanya. Pinagbuksan niya kami ng pinto kaya nauna kami nakapasok ni Calvin. The whole ride going to airport is not really boring because Akiel keep us entertained.

Sa airplane naman ay parang engot si Aziel na nakasandal sa aking ulo. Nagkuwentuhan rin kami ni Aziel. Ngayon na nagsisimula na kami uli kailangan namin ng tiwala sa isat-isa at mas kilalanin ang isat-isa. Hindi kasi namin nagawa iyon noong kasal kami.

May sumundo saamin at ang mga ito na rin ang nagdala ng aming luggage. Ang next destination namin ay ang bahay ng mga magulang ni Aziel. Hindi pa raw alam ng mga magulang ng mga ito na may anak na siya.

Naiintindihan ko naman ang rason nito. Ayaw niya pa daw kasing sabihin sa mga ito ay sa kadahilanang inaayos niya pa ang relation namin at hindi pa rin sila magka-ayos ng mga magulang. Laking pasalamat niya na nga lang na pumayag ang mga ito sa dinner na gusto niyang mangyari.

Kinakabahan ako at nanlalamig din ang kamay ko. Napatingin ako rito ng bahagya niyang pisilin ang aking kamay. Aziel smile at me and even though I'm nervous I smiled back.

Wala na kaming naging problema sa luggage namin dahil may mga tauhan na si Aziel na kumukuha nito. Binuhat niya ang anak namin bago kami lumabas ng tuluyan.

Sinalubong kami ng mga kasambahay. Nagulat pa nga ang mga ito ng makita na may bitbit na bata si Aziel at kasama ako ng mga ito.

Tumakbo patungo saakin si Clara at niyakap ako nito ng mahigpit na mahigpit. Hindi naman ako nagreklamo. Iyak ito ng iyak kaya hinahagod ko ang kanyang likod.

"Na miss po kita ma'am" Sabi nito at suminghot pa ito.

"Na miss din kita Clara"mga ilang minuto pa kami na magkayakap sa bukana ng ng mansyon.

"Valencia my parents is waiting" naunang bumitaw sa pagkakayakap si Clara kaya bumitaw din ako rito.

"Clara, anak ko nga pala. Akiel ang pangalan ng anak" tumango si Clara.

"Hi baby boy"napangiwi si Akiel ng marinig niya iyon.

Ayaw kasi siya nitong tawaging baby boy dahil hindi na naman daw siya baby para tawagin na baby. Ngumiti naman ito kay Clara.

"Clara please take Akiel with you and kindly feed my son" walang reklamo na tumango si Clara.

Inaya naman ni Clara si Akiel tumingin si Akiel saakin humihingi nv permiso. Nakangiti akong tumango rito kaya sumama ito kay Clara. Dinala kami ng kasambahay sa may swimming pool ng bahay.

Hindi pa kami nakakalapit ng makita ko ang tatlong pamilyar na bulto. Nakatalikod sila saamin kaya hindi ko kita ang mukha ng mga ito. Hinawakan ako sa baywang ni Akiel kaya nag-aalang tumingin ako rito.

"This is not romantic but I hope this will do" nalilito ko siyang tinignan"I will leave you here for ten minutes. Babalik ako ng ten minutes dito Valencia.

"Akiel"tawag ko rito pero hindi ito nakinig saakin at nagpatuloy ito sa paglakad papalayo.

Lumingon naman ako sa direction ng mga ito at nakita kung nakatingin na ang mga ito sa banda ko. Madilim sa banda ko pero sa klase ng tingin na binibigay nila saakin ay parang kitang-kita ako ng mga ito.

Naglakad ako papalapit sa mga ito kahit nangiginig ang mga kamay ay kinakaya kong makalapit sa mga ito. Alam kung sinusundan ng mga ito ako ng mga ito ng tingin. Akala ko ay nariti ang parents ni Aziel pero tangging ang dati kong pamilya lang pala ang mga narito.

A Wife's Tears(Book 1) Where stories live. Discover now