Chapter 32

4.5K 101 5
                                    

R-18 SPG

Ayaw ko pa sanang manatili ngunit nakiusap si mommy na manatili ako at makipagkuwentuhan pa sa kanila. Hindi naman talaga ako nakipag-usap sa mga ito dahil wala naman akong sasabihin.

"Mommy pasensya na po talaga masama po kasi ang pakiramdam ko" sabi ko.

"Uminom ka ng gamot at magpahinga" tumango ako at naglakad na sa mga ito palayo.

Humiga ako kaagad para makatulog ako ng maaga dahil kapag madaling araw na ay aalis naako. Hindi ako nakatulog ng maaga kaya nagsulat muna ako bilang pagpapaalam kay mommy at pasasalamat rito.

Nakatulog ako pagkatapos kung magsulat kay mommy nilagay ko ito sa side bed table. Nagising naman ako ng alas tres ng madaling araw. Bago ako umalis ay naligo muna ako at nagsuot ng hoodie jacket at denim jeans.

Kinuha ko ang dalawang maleta sa closet. Bago ako lumabas ay tinignan ko muna kong may tao. Dahil clear naman at walang tao saka lamang ako lumabas. Tahimik ang naging kilos ko at grabe ang pag-iingat na aking ginagawa upang wala akong magawang tunog.

Successful naman ako na nakababa. Ganoon rin palabas ng bahay.

The rose-pink light of the dawn welcome me. Tahimik rin ako nakalabas ng bahay. Bumuntong hininga ako at tinignan ang bahay kung saan ang isang babae ay naging napakabuting ina saakin.

Leaving the mansyon is like leaving my heart there. My heart is owned by Aziel and I am not the owner of my heart anymore. Pinara ko ang taxi na aking aking nakita nang makalabas naakonsa village.

Sinabi ko muna sa driver kong saan ako patungo. Bumuhos ang mga luha na aking pinipigilan kanina pa. Nahihirapan talaga ako sa paghinga dahil sa sakit.

Tinanggal ko ang sim card ng cellphone ko. I deactivated my social media account. Lahat ng pwede maging reason para macontact ako ay niwala ko.

Nagbayad ako kay manong at bumaba. Naghintay muna ako sa bench ng airport bago ang flight patungo ng Singapore. Ang totoo ay may kakilala ako na resident na ng Singapore at nag offer ito saakin na pwede akong tumira sa kanya.

Dahil wala siyang kasama. Hindi kami close ni Monica at hindi kami magkaibigan pero kahit ganoon nag offer ito saakin na doon manirahan kasama siya. Binigay niya naman ang address niya and I screenshot what she send kaya kahit deactivated na ang account ko ay wala akong problema.

The whole plain ride is boring. I only watch the clouds and I keep on sleeping. Sometimes I watched a movie in a mini TV here.

Kinuha ko ang dalawang luggage ko at saka sumakay ng taxi. Sinabi ko ang address na tinutukoy ni Monica. At finally ay nakarating naako. Dahil apartment ang tinutuluyan ni Monica nagtanong ako sa mga tao na lumabas ngunit hindi kilala ng mga ito ang aking tinutukoy.

"Do you know Monica Santiago? She is living in here like what she said" umiling ang tinanong ko.

"Ask landlady" sagot lang nito at mukhang iwas ang mga ito saakin.

"Can you please tell where can I find the land lady" I asked the guy.

"No English miss. Landlady" bati nito sa babae kung hindi ako nagkakamali ay nasa early fifties ito.

"What can I help you" she asked the guy I asked earlier.

"Excuse me madam I am looking to Monica Santiago is she living here" tumango ito.

" Third floor,fourteen" tumango ako at nagpasalamat rito.

Kaagad naman akong pumasok sa gusali at pumanhik pa itaas. Kinatok ko ang pinto na may nakasulat na fourteen. Hindi kaagad binuksan ang pinto dahil naghintay pa ako ng ilang minuto.

A Wife's Tears(Book 1) Where stories live. Discover now