Chapter 30

4.8K 84 2
                                    

R-18 SPG

Bumaba naman ako kaagad ng matapos akong maligo, magbihis at nagpatuyo ng aking buhok. Nang nasa baba naako ay narinig ko ang boses ng mga ito sa dining. Naglakad naako papuntang dining at ang ingay ng mga ito ang iba ay tumawa ang iba naman ay may kung anong sinasabi.

Nang makarating ako doon ay nakita ako ng mga mata ni Aziel at pinasadahan ang aking suot. Nakahinga ito ng maluwag ng makita ang aking suot. I am wearing a cotton short again and a hoodie jacket.

Napatingin naman ang mga ito saakin at nahinto pa ang mga ito sa kanilang pag-uusap at pagtatawanan. Hinapit naman ako sa aking baywang ni Aziel.
Ngumiti ako sa mga ito at ang mga lalaki ay gumanti ng ngiti at ang mga babae naman ay plastic ang ngiti na iginagawad saakin.

"This is Valencia my girlfriend everyone"

Isa-isa naman na nagpakilala ang mga ito saakin. Naglahad naman ako ng kamay sa mga ito for the shake hands.

"I'm Hazel"pakilala naman ng friendly na babae saakin.

"Lana"naglahad ito ng kamay kaya tinanggap ko.

"Elise" pakilala naman ng isa sa tatlo na ngumiti saakin ng plastic tinanggap ko rin ang pakikipagkamay nito kahit alam kung ayaw nito.

Base sa kanilang kasuotan at paggalaw ay masasabi ko na may kaya ang mga ito sa buhay lalo na ang mga babae. Ang mga kuwentas at kung anong palamuti ng mga ito ay alam kung mamahalin at hindi basta-basta makakabili ang isang tao na nakakasuweldo lamang ng twenty thousand pababa.

Ang mga lalaki naman ay simple lamang ngunit kung ikaw ay mahihilig sa mamahaling damit at marunong tumingin ng mamahalin o hindi ay malalaman mo na ang mga damit ng mga ito nagsusumigaw ng karangyaan nila.

Tahimik lamang ako na nakikinig sa usapan ng mga ito lalo na at binabalikan nilang usapan ay ang buhay nila noong highschool pa lamang sila kaya wala akong maaring sabihin o itanong.

Naaentertain naman ako kahit papano at kung tumutawa ang mga ito nakikitawa na rin ako sa mga ito. Dito pala si Aziel nag-aral noong elementary at highschool at ng college na ay sa Manila.

"Saan naman kayo nagkakilala ng girlfriend mo Aziel?" Tanong ni Jc kay Aziel.

"School" pagsisinungaling ni Aziel sa mga ito dahil hindi naman kasi totoo na nagkakilala kami sa school dahil ang totoo ay sa bahay namin.

"So what do you do for a living ba?" Tanong naman saakin ni Elise.

"I don't have a work" natawa naman ang dalawang babae saaking sagot kaya napayuko na lamang ako.

Sinaway ng mga lalaki ang dalawang babae at sinabihan na huwag magsasabi ng masama. Kilalang-kilala ng mga ito ang isat-isa dahil alam ng mga ito ang susunod na sasabihin ng mga ito kaya pinatahimik na ng mga ito ang mga babae.

Kung sa mga kaibigan nila ni ate Vicky at Aziel noon ay harap-harapan sinasabi ang pagkadisgusto ng mga ito saakin ngayon naman ay hindi. At halata ko sa mga ito lalo na sa mga lalaki na hindi naman bastos at mabait naman. Ang problema ko lamang ay ang mga babae.

Wala naman ang mga itong sinasabi na ayaw ng mga ito sa presensya ko ngunit base sa binibigay ng mga ito na tingin alam kong na ayaw ng mga ito saakin. Ang dalawa lang pala dahil friendly naman si Hazel.

"Matutulog muna ako Aziel. Mauuna muna ako sa taas everyone" paalam ko sa mga ito pero bago ako umalis ay hinalikan ko muna si Aziel sa kabilang pisngi.

Pansin ko lang hindi pala si Aziel palasalita dahil ang mga kaibigan niya lamang ang madaming sinasabi. At kung may itinatanong ang mga ito saka lamang ito magsasalita.

A Wife's Tears(Book 1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang