Chapter 12

5.2K 149 15
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakakasilaw na ilaw ang bumungad saakin at nang maayos na ang aking paningin ay white ceiling ang bumungad saakin. Nasa langit na ba ako at bakit sobrang puti ng paligid.

"Tubig."iyon ang unang lumabas saaking bibig.

Nang tuluyan naakong gumising. Walang katao tao sa silid pero nang tignan ko ang side bed table ay meron ritong may container roon na naglalaman ng tubig kinuha ko iyon hindi na inaalala kong makinis ito I hindi ang importante ay maibsan ang pagkauhaw na aking nararamdaman.

Ginalawa ko ang aking mga paa ngunit isa lang ang gumalaw ito ang kaliwang bahagi ng aking paa. At ang kanan ay hindi tila hindi ko kontrolado. Kahit malamig dahil sa aircon ay nagsimula naakong namamawis.

"Doc, nurse." sigaw ako ng sigaw bago pa mapaos ang aking boses ay may dumating ng nga nurse.

"Tawagin si Doc Mendez bilis. Huminahon ka miss tinatawag na ng kasamahan ko si Doc Mendez."

Huminahon naman ako ng kaunti tinitigan ako nito na akala mo naman may milagro akong ginagawa. Bigla ko naalala kung bakit narito ako sa hospital.

"Miss ang baby ko." umiiyak na bigkas ko rito atsaka hinawakan ang aking tiyan at nang makapa ay wala na ang umbok nito"Nurse ang baby ko nurse bakit wala na ang umbok ng aking tiyan nurse."nqghihysterical naako at humikbi ako ng naawang tinignan ako ng nurse dinaluhan ako nito.

"Sorry wala na ang baby mo." patuloy pa rin ito sa pag-alo saakin.

"Hindi totoo iyon nurse baka kinuha ng asawa ko ang baby nurse. Diba?" Tinignan ko ito sa mata ngunit naawa lamang ako nitong tinignan.

"Your baby is dead sorry"humingi pa ito ng tawad na akala mo naman siya ang may kasalanan bakit nawala ang baby ko.

"Totoo doc gising na po talaga ang patient--" nahinto ang sasabihin sana ng nurse rito dahil nakita na ako ng tuluyan ng pamilyar na doctor saakin.

"You're finally awake" naguguluhan na ako dahil parang isang milagro sa mga ito ang aking pagkagising.

"Doc ilang araw na ba akong tulog?" Naawa na naman akong tinitignan ng nurse.

"One year and a half" napasinghap ako saaking nalaman ng tignan ako ng mga nurse ay naroon pa rin ang mga awa sa expression ng mga ito.

Mas lalo lamang akong naiyak. Nagwala ako dahil sa nalaman.

"Kumuha kayo ng injection nurse" utos ng doctor at mas lalo lamang akong nagwala tinanggal ko pa ang dextrose na nakatusok saakin.

Nagwala ako ng nagwala at hindi. Sinuntok ko ang doctor na nagaalo saakin. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ang nurse na inutusan nito at ang huli kong naalala bago ako tuluyang mawalan ng ulirat ay dahan-dahan ako nitong binalik sa pagkakahiga.

Binalot na ng tuluyan ng dilim at ako ay nakatulog uli. Nagising ako dahil kumakalam na ang aking sikmura. Nagugutom naako hindi lamang pala sa gutom ako nagising kundi sa ingay rin pala ng dalawang nurse na nag-uusap at kung hindi ako nagkamali ay ako iyon.

Nang nakita ako nilang gumalaw ay nagsikilos na ang mga ito.

"Nagugutom ako nurse" mahina at nanghihina kung sabi rito. Tumango ito sinenyasan ang kapwa nurse at nag-uusap ito sa pamamagitan ng tingin"Nurse patay na ba talaga baby ko hindi ka ba binayaran ng aking asawa"

"Patay na iyong anak pero sana ay tanggapin mo ito upang hindi kana masyadong mahirapan. Tumango ako ngunit umiiyak pa rin ako. Ito rin ang nurse na umaalo saakin kanina.

"Ilang araw na naman ba akong tulog nurse? Nagugutom na talaga ako nurse ang tagal naman ng pagkain"

"Eight hours ka na ulit na natulog" dumating ang isang nurse at may dala na itong tray.

A Wife's Tears(Book 1) Where stories live. Discover now