Chapter 37

4.9K 125 4
                                    

R-18 SPG

"Are you okay baby"tanong ko ng maitayo na si Akiel nakaginhawa naman ako ng maluwag ng hindi naman ito umiiyak.

"Yes mommy. Thank you and I'm sorry mister"Sabi niya sa lalaki na nabangga niya.

Nag-angat din ako ng tingin dahil hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin ako at inaalis ang mga buhangin na dumikit sa katawan ni Akiel. Bigla akong hindi nakakilos ng magtama ang aming mga mata.

Hindi lang ako nabigla ng makita namin ang isat-isa. Napalunok ito at doon naako nakabawi. Kahit kakagaling ko lang sa tubig namuo na kaagad ang butil ng pawis saaking noo. Tumayo ako at hinawakan ang kamay ng aking anak.

"Thank you. Say bye to mister baby" kinawayan ni Akiel si Aziel ng hinila ko ito para mailayo sa kanyang ama. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa normal na heart beat ang aking puso. Hindi ko alam kong para saan tumitibok ang aking puso. Dahil ba inlove pa rin ako kay Aziel o kaya dahil nakita niya kami ng anak niya at ayaw kong malaman nito. Siguro naman ang pangalawa sana lang dahil ayaw ko nang masaktan.

Kinuha ko muna ang aking highwaist short sa sun lounger at sinuot namin ang aming mga tsinelas. Lahat naman ng sinasabi ko kay Akiel ay sumusunod naman nito kaya hindi masyadong nagkaproblema.

Nagsabay kami ni Akiel sa pagligo at dahil nakulangan pa ang aking anak sa paglalaro ay naglaro pa kami sa banyo bago kami natapos. Hindi na ulit kami lumabas ng silid namin hanggang gumabi at kapag oras naman ng pagkain ay nagpapadeliver ako para iwas labas na din.

Sa araw na iyon ay hindi na rin kami nagkita ni Monica at hindi din naman ito pumunta sa silid namin ni Akiel na busy na siguro iyon sa mga kakilalang modelo. Makatulog ako na hindi na ulit sumagi saaking isipan ang tungkol kay Aziel.

Nagising naman ako kinabahan na may nagbibigay saakin ng munting halik. Nang tuluyan na akong magising ay humagikhik ang humahalik saakin. Natawa na rin si Monica kaya inirapan ko ito.

Si Monica ang nagpapagising saakin kay Akiel dahil alam nitong hindi ako magagalit sa bata at kapag siya ay magagalit ako at hindi papansinin sa buong araw dahil na disturbo ang aking tulog.

"Gumising ka na kahit okay lang na late tayo Valencia ay hindi pa rin pwede dahil alam mo naman ang mga bibig ng mga inggit" tumango ako.

Sa industriyang aming pinasok ay lagi kaming nag-iingat at kung maari ay hindi kami gagawa ng mali o kaya ay iiwasan namin ang maging late dahil isang late lang namin ang dami na kaagad kaming narinig na mga sinasabi ng mga ito.

At ayaw namin iyon lalo na si Monica ayaw na ayaw iyon dahil hindi ito makapagpigil ng emotion. Ang kadalasan kong naririnig na sinasabi ng mga ito saamin ay sikat kaya ang lalaki ng ulo at madami pang iba. Isang late lang marami na kaagad ang mga itong sinasabi.

Tinignan ko ang aking anak at nakita ko ito na bagong ligo na. Iniwan ko muna ang mga ito na ngayon ay nanood ng cartoons. Naligo na rin ako at sa comfort room lang din ako nagpatuyo ng aking buhok.

Sabay kaming lumabas ni Monica at iniwan namin si Akiel kay nanay. Sinabihan ko rin ito kung maari ay huwag silang lumabas. Tumango naman si nanay at alam ko na susundin niya ito dahil natrauma na rin ito sa nangyari dati.

Nang makita kami ng dalawang make up artist at dalawang hairstylist ay kaagad kami ng mga ito nilapitan at minake upan at inaayos ang aming buhok. Nakikipagkuwentuhan si momshie sa make up artist kaya hindi din namin maiwasan na makipagkuwentuhan sa mga ito.

Nagsimula na ang ibang model lalo na iyong mga una na tapos. Nang matapos kami ay naglakad na kami malapit sa shore. Hindi pa tapos ang isang model sa photoshoot kaya naghintay pa kami rito.

A Wife's Tears(Book 1) Where stories live. Discover now