Chapter 53

32 17 0
                                    

"Okay, ang totoo hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan—" hindi na natuloy ni Axel ang sasabihin ng biglang niyakap ni Tita Katherine si Spring.

"I'm sorry honey hindi ko alam." umiiyak na sabi niya bakas naman ang pagtataka sa muka ni Spring.

"Veron tricked us" pag sisimula ni Axel kaya naging attentive si Spring.

"Everything happened was planned. Noong kinidnap niya ako she made my life miserable pero mas okay na yun kesa ikaw ang nasa kalagayan ko.

"A—Anong ibig mong sabihin?" matalino si Spring at alam kong may ideya na siya sa mga nangyayari.

"It means I'm your biological brother, kapatid talaga kita at sila ang Mommy at Daddy mo" ani Axel bigla naman tumulo ang luha ni Spring kaya humiwalay sa kanya si Tita Katherine.

"Pa—paanong nangyari yon? I—imposible. I'm an orphan." saka siya tumungin sa akin kaya tumango lang ako.

"Hindi totoong namatay ang kapatid kong babae dahil ikaw iyon, kasabwat ni Veron ang doctor na nagpaanak kay mommy kaya madali nilang napalabas na patay kana.

"Nalaman ni Tito Nick ang nangyari ng araw na iyon, si Tito Nick ang tumulong sa akin para ipalabas na patay na ako isa siya sa may ari ng hospital at hindi niya agad na sabi dahil malakas ang kapit ni Veron sa hospital. Kaya tinakas ka ni Tito Nick at dinala sa harap ng bahay at doon ka natagpuan, kinuwento lahat saakin ni Tito ang pangyayari ng tinulungan niya akong makatakas kay Veron. Malaki rin kasi ang kasalanan ni Veron kay Tito Nick pinatay kasi ni Veron ang asawa ni tito."

"Anak...I'm sorry hindi ko sinasadya." Sabat ni Tito Jonas saka niyakap si Spring na hanggang ngayon hindi parin makasalita.

"G—gusto ko sanang mapag isa" ani Spring bakas at naman ang sakit at panghihinayang sa kanila pero wala silang nagawa at umalis nalang muna.

"Pwede bang dalhin mo muna ako sa tahimik na lugar?"

"No. hindi ka pa pwedeng lumabas"

"Okay, kung ayaw mo ako na lang." saka niya tinanggal ang swero niya at nagsimulang maglakad.

"Fine, dadalhin na kita kung saan mo gusto." kaya napahinto siya. Isa lang ang lugar ang nasa isip ko, lugar kung saan ko siya pinaka nasaktan. But also it's a place where we made memories together.

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niya nasa harap kami ng rest house dito sa Tagaytay.

"Ito lang kasi ang lugar na alam kong makakapag isip isip ka." ani ko.

"Sabi ko dati hindi na ako babalik sa lugar na magpapaalala sa akin sa nakaraan pero ngayon nandito ako." Natatawa niyang sabi pero bakas ang lungkot sa boses niya. I was about to hold her hands ng bigla nalang siyang lumabas saka pumasok sa loob hindi ko naman nilock yan ngayon kasi balak ko din pumunta dito.

Spring P.O.V
Nakakatawang isipin na nakapunta ulit ako sa lugar na nagpapaalala saakin ng mga masasakit na bagay.

"Dalawa na ang kwarto dito, pwede ka doon magpahinga." ani Vincent, gabi na pero ayoko paring magpahinga. Gusto ko pang tumingin sa tanawin, taon na ang nakalipas ng huli akong pumunta dito kaya marami ng nagbago mas gumanda ang tanawin kahit gabi.

"Ayoko pang magpahinga, kung inaantok ka magpahinga kana alam kong masyado na akong nakakaistorbo sa iyo puntahan mo na si Rhianne" I still love him pero narealized ko na kailangan ko magpakalayo layo muna. I have to find myself again and slowly start to accept and move on from the past.

"Hindi ka nakakaistorbo" ani niya saka umiwas ng tingin, ito ata ang unang pag uusap namin na hindi ko naramdaman na istorbo ako .

"Hanggang kailan pa mo pala gustong manatili dito? Ayaw mo bang umuwi sa bahay?" I think this is the right time para pag usapan ang tungkol kay Vince.

"Ang totoo babalik na kami ni Vince sa probinsya." Bakas ang pagkabigla at takot sa kanya "Huwag kang mag alala hindi kana naming guguluhin at magpapakalayo layo na kami at maiintindihan naman siguro yan nila tita. Saka maganda narin yun para hindi na kami makagulo sa inyo ni Rhianne kami na ang aalis kasi kami rin naman ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niyo. I'm sorry dahil naistorbo namin kayo promise hindi na kami magpapakita sa inyo." Hindi ko na hinintay na magsalita siya dahil agad akong umalis baka kasi hindi ko makaya ang sasabihin niya at buhos ang luha ko sa harap niya.

The Girl In her Dark Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon