Chapter 49 Revenge?

50 25 0
                                    

"ATE!" umiiyak na sigaw ni Amber habang pilit na hinihila palabas ng pinto, hindi naman ako makapalag dahil sa sakit ng katawan ko.

"ANO? Saktan nyo pa para matutong sumunod!" ani nya saka kinuha ang latigo at sya ang nangampas sa akin.

"Ahhhhh...tama na please." Gusto kasi nila akong patawagin kila Mommy at sabihin na kinidnap ko si Amber para pumunta sila dito at dalhin ang sampung milyon. I can't do that It will endanger them.

"Yan ang nararapat sayo, hindi ka marunong sumunod sa akin. I told you to be obedient." Galit na galit nyang nihahampas sa akin ang latigo hanggang sa mawalan na ako ng malay... 

Nagising ako dahil parang may nagtatanggal ng tali sa kamay ko, "Mabuti naman gising ka na." ani nya saka nilinis ang sugat ko at binihisan ako pero nakapikit sya.

"B—Bakit mo ako t—tinutulungan? May I—papagawa na naman ba kayo?" sinubukan kong tumayo pero nabigo lang ako dahil sumakit ng sobra ako likod ko.

"Wala syang ipapagawa at hindi nya alam na tinutulungan kita, wag ka munang gumalaw medyo sariwa pa ang sugat mo tatlong araw ka ng tulog." Tatlong araw? Ibig sabihin mag iisang linggo na kami nandito? Si Vince Saka si Amber?

"Si Vince at Amber?" ani ko saka kinayang umupo.

"Where are they? Are they safe?" umiiyak kong tanong.

"Maayos sila hindi naman nasaktan ang anak mo pero si—si Amber marami ring pasa gaya mo." ani nya saka umiwas ng tingin. Parang tinusok ang puso ko sa sakit.

"Sinaktan mo din sya?" galit na sigaw ko pero tinakpan nya ang bibig ko.

"Wag kang maingay pwede ba? Hindi ako ang nanakit sa kapatid mo kundi si Veron, saka hindi ko sinasadyang sakalin ka dahil utos ni Veron iyon baka saktan niya ang anak ko."

"Anak mo? Sino si Veron? Yung babaeng Misteryosa? "

"Oo sya nga at anak ko si Drill." Saka niya ako binigyan ng tubig at tinapay, sa gutom ko kinain ko kaagad. "Ang anak mo, si Amber saka si Drill nasa kotse na sila. Inaantay ka wag kang mag alala hindi sila makikita doon may kasama naman sila."  Natigil naman agad ako.

"Anong ginagawa nila doon? Baka makita sila at mapahamak pa lalo sila." natatarantang sabi ko.

"Kaya nga tara na at tumakas dito dahil parating na sila Veron—" nanlamig ako ng makitang dumudugo ang kanang braso ni Ram narinig kong tawag sa kanya.

"At sa tingin mo makakatakas kayo?" parang baliw nyang sabi "Traydor kang hayop ka! Dapat sayo mamatay!" ani nya saka pinutok ulit ang baril sa kaliwang braso ni Ram, ipuputok sana ulit nang may lalaki ulit na pumasok.

"Madam nandito na po sila!" No! sana hindi sila Mommy 'yan, please lord bigla namang tumawa si Veron.

"Hahahaha! Sa wakas makakaganti na rin ako sa inyo at sisiguraduhin kong mamamatay kayo lahat!" saka sila lahat lumabas at iniwan kaming dalawa.

The Girl In her Dark Life Where stories live. Discover now