Chapter 47 The Truth

42 26 0
                                    

"Napanood ko rin ang video nyo sa hotel ni Rhianne nandito parin sa phone ko." Galit narin na sabi ko at kita ko naman ang pagkagulat ni Rhianne ng ilalabas ko ang phone ko.

"Tama nayan nasa harap tayo ng pagkain! Have some respect." malamig na sabi ni Don Louis.

"Wag mong idadamay si Rhianne dito Spring dahil ikaw ang nanloloko sa amin."

"How sure are you? Why don't you ask you beloved Rhianne who's the real father of your so-called son?" Napupuno na talaga ako kaya bahala kung anong kalabasan nito. They started it.

"Anong pinagsasabi mo?" galit na sabi ni Rhianne at napatayo.

"Hindi tunay na anak ni Vincent si Drill." Diretsong sagot ko.

"Spring wag kang mag salita ng walang ebidensya." ngisi ni Rhianne pero halatang kinakabahan siya.

I chuckled "I have!" I answer and play what I have recorded a while ago from the CR... I played it for them.

"Vincent wa—wag kang maniwala sa narinig mo, hindi ako yun...sinisira nya lang tayo baka naiinggit sya satin—" halos maiyak na sabi niya.

"Is it true?" hindi nakasagot si Rhianne.

"I SAID IS IT TRUE?" sigaw nya kaya napatayo ang lahat buti nalang nasa VIP room kami.

"Of course not! No, hindi totoo yun," ani nya saka umalis si Vincent.

"Nakita mo na ang ginawa mo Spring sinira mo ang pamilya namin" galit na sabi nya at akmang susugod sa akin ng harangin siya ni tita Cath at sinampal.

"Walang hiya kang babae ka nagawa mo kaming paikutin lahat!" galit na sabi ni tita habang inaalalayan ni tito.

"Tita hindi po totoo yun maniwala po kayo."

"Maniwala? Una palang malayo na ang loob ko sayo!" saka sinabunutan si Rhianne nakita kong umalis ang lalaki sa tabi ko kaya sinundan ko papalabas.

"Teka sandal." ani ko kaya huminto sya at humarap.

"Anong kailangan mo?" malamig nyang sabi.

"Bakit ka nagsinungaling kanina? Sino kaba talaga? Bakit pamilyar ang boses mo?" sunod sunod kong tanong .

"It's none of your business" ani nya saka lumingon lingon na parang may hinahanap "At kung ako sayo aalis na ako bago pa mahuli ang lahat at makuha ka nila." saka sya umalis.

"Mommy, bakit nya tinanong kanina kung anak niya ako?" inocenteng tanong niya.

"Hindi totoo iyon anak dahil Vincent pa rin ang daddy mo." Saka ko sya kinarga st babalik na sana kami sa loob ng biglang may naglagay ng panyo sa ilong ko I tried to fight back but it's not enough. I didn't know what happen next when dark consumed me.

The Girl In her Dark Life Where stories live. Discover now