Chapter 17 Someone

58 43 0
                                    

Nag trabaho nalang ako at hindi na pinansin ang misteryosong babae na laging bumibili ng coffee dito sa shop, dumarami ang mga costumer ngayun dahil malapit na mag pasko, pag tapos ng shift ko pagod akong umupo para antayin si Vicent pero nakatulog na pala ako.

"Spring! Wake Up!" ani Vincent kaya unti unti na akong nag mulat.

"Hmmmmm" saka unti unting nagmulat "You're here"

"Yeah! tara na ihahatid na kita." he smiled at me,

"Sige" saka tumingin ako kila Iza na nakatingin narin pala saamin. "Una na ako" I said before I bid my goodbye.

"Sure ingat kayo." she replied back, ngumiti nalang ako saka kami naglakad papunta sa kotse nya.

"You okay? You look tired?" nag aalalang tanong nya as the car started to move.

"Okay lang ako, pahinga lang ang kailangan ko." I smiled to assured him

"Marami na kasing costumer ngayun kaya nakakapagod talaga"

"Hanggang kalian kaba magtratrabaho? Its been a month since you started to work, how about your class? Any projects mo? Nakakapagpahinga kapaba? You look pale." Sunod -sunod niyang tanong na para bang masasagot ko lahat nang isahan.

"Kaya ko naman saka malapit na rin naman akong Grumaduate." that's all I can say.

"kung kailangan mo ng pera? I can lend some, dahil alam kong hindi ka tatanggap ng libre" he said papalapit na rin kami sa bahay.

"Hindi na kailangan kaya ko naman salamat na lang." I smile to him at bababa na sana ako pero-

"Bakit ba dito mo laging gusto magpababa? Bakit ayaw mo sa tapat ng bahay nyo? Saka lagi bang naka patay ang ilaw ng kwarto mo?" he asked kaya nataranta ako, sinabi ko kasi sakanya kung saan ang kwarto ko pero hindi ko sya pinapunta dahil wala akong kuryente, ayaw pa ni mommy na nakikita ako na tumatambay sa labas ng kwarto dahil may aircon daw.

"Di—Di ba nga ayaw ni daddy na mag boyfriend ako, saka pinapatay ko kaagad ang ilaw kasi hindi ko naman ginagamit." pero may katotohanan ang unang sinabi ko kahit hindi naniniwala saakin sila Daddy. Alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ko pero hindi na sya nagtanong

"Okay, pumasok kana para magkapagpahinga ka bigay mo rin to kay Amber." He gave me a three kinds of gummy bear and kissed me in my cheeks nasanay na ako dahil lagi naman nyang ginagawa yun kaya pumasok na ako.

"Bilisan mo umakyat at wag kang tumambay dito sa kusina dahil may kuryente dito" Mommy said coldly saka umalis kasama si Daddy.

"O—Opo Mommy"

"Ate ito ang pagkain mo, tinulungan ko si Yaya na gawin yan." Sabi ni Amber pag pasok ko sa room dinadalhan ako ni Amber ng pagkain dito sa room kapag aalis sila Mommy.

"Anong ginagawa mo dito Amber baka Makita ka nila Mommy?" sabi ko na mahina ang boses saka lumapit sakanya para yakapin sya.

"Umaalis naman na sila Mommy, Ate." sabi nya saka niyakap ulit ako "Saka nakita ko ulit yung kotse ni kuya Vincent." sabi nya, kilala nya si Vincent dahil nung chinarge nya ang phone ko sa room nya biglang tumawag si Vincent at sya ang sumagot, alam nya rin na nangliligaw lang si Vincent saakin.

"Ito pala gummy bear bigay ni kuya Vincent mo." naalala ko ang sabi ni Vincent.

"Thank you, ate pasabi din kay kuya, Kumain kana ate." sabi nya saka umalis at kinuha ang phone ko para i-charge. Pumunta ako sa Veranda para mag aral dahil malamig naman doon.

Inayos ko ang box kung saan ko nilalagay ang mga binibili kong pagkain na dilata para maka tipid dahil marami akong binabayaran.

While I'm eating I felt like I was being watch from a far kaya tumingin ako kung saan, and I saw a car nalagi kong nakikita kung nasaan man ako kahit nalilito pinag patuloy ko parin ang ginagawa ko kahit naiilang ako. May naramdaman ako na may lumalakad sa likod ko kaya nag ready na ako para hampasin sya pero may biglang nagsalita.

The Girl In her Dark Life Where stories live. Discover now