Chapter 56

34 15 0
                                    

"Sino siya?"

"It's nothing wag mo siyang intindihin" kita kong patulo na ang luha nung babae, maganda siya at matangkad na may pag ka morena.

"Kamusta na pala ang pakiramdam mo?"

"Okay naman ako medyo napagod lang sa meeting kahapon."

"Wag ka kasing magpapagod ng husto baka magkasakit ka." seryoso niyang sabi.

"Hindi naman."

"Papa samahan mo akong mag cr." Natawa naman kami sa sinabi niya kaya sinamahan siya ni Ian.

"Hi, Anong pangalan mo?" Tanong ko sa babae.

"Leizel" Normal niyang sabi.

"Ako nga pala si Spring." Saka ako nakipagkamay sa kanya.

"Don't worry wala akong gusto sa kanya at hindi namin anak si Vince." nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Salamat." Ngiti niya sa akin, Muka naman siyang mabait at hindi na ako muling nakapagtanong sakanya ng pumasok na sila Ian.

"Papa laro tayo" ani Vince kaya naglaro ang dalawa ng lego at kami naman ni Leizel ay gumagawa ng pagkain para sa dinner dahil nanonood na silang dalawa ngayon at hindi manlang magpahinga.

"Ang galing mo palang magluto" ani ko kay Leizel nagluto kasi siya ng adobo at sinigang at ako naman ang nagluto ng steak.

"Hindi naman, mukang masarap ang luto mo." ngiti niyang sabi at halatang pagod narin siya.

"Saan ka natutong magluto niyan?" hindi kasi ako kasing galing niya magluto.

"Nag paturo kasi ako para ako na ang mag luto sa bahay"  habang naglalagay ng pagkain sa lamesa.

"Vince, Ian tara na at kakain na." ani ko kaya pumunta na sila at masayang natapos ang dinner namin gabi na at kailangan na naming umuwi baka mag-alala sila Mommy.

"Salamat ulit sa masarap na pagkain." ani ko kay Leizel.

"Walang anuman sa susunod ulit." ani niya kaya lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Don't give up on him." ani ko saka nagsimula ng maglakad. Pagpasok ni Vince sa kotse nagtataka ako kasi nakalock ang pinto.

"Vince, buksan mo ang pinto; hindi pa ako nakakapasok." At mukang hindi niya ako naririnig kasi naka sara din ang bintana kakatok na sana ako ng marinig ko ang boses ng taong iniiwasan ko.

"Spring, can we talk?" ani Vince na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"May dapat ba tayong pag usapan?"

"Yes, a lot." Seryoso niyang sabi saka binuksan ang pinto ng Kotse niya.

"Ngayon na? Gabi na saka baka pag nalaman ni Rhianne na mag uusap tayo magalit yun." Totoo naman baka magalit nanaman siya saamin kapag nalaman ni Rhianne.

"Hindi na siya magagalit dahil wala naman siyang Karapatan."

"I'm tired. We can talk some other time."

"Just get in" Normal niyang sabi at hindi ko napansin na nakaalis na pala sila Vince. So I have no choice.

The Girl In her Dark Life Where stories live. Discover now