Chapter 48 Reunion

45 26 0
                                    

"Makakaganti narin ako sa wakas...anatayin mo lang magkikita kita rin kayong pamilya dito." Ani ng isang boses...teka bakit hindi ako makagalaw? Saka ko lang napansin na nakatali ako sa upuan.

"Si—sino ka? Nasaan ang anak ko?" nanghihina kong tanong, hindi ko sya Makita ng maayos dahil nanlalabo pa ang mata ko.

"Gising ka na pala, tatlong araw ka ng tulog." ani nya sinabunutan ako patingala dahilan para makilala ko siya.

"I—ikaw?" Siya yung babaeng misteryoso sa cafe.

"You remember me? I'm overwhelmed surprise!" natatawa nyang sabi saka tinutok ang patalim sa leeg ko.

"I—kaw yung babae sa cafe."

"Ako nga Spring, long time no see." Bigla naman akong kinilabutan ng binanggit nya ang pangalan ko.

"Bakit ako nandito? Nasan ang anak ko? Sino ka ba talaga?!" sunod suno na tanong ko.

"Easy, yung anak mo nasa mabuting kalagayan basta susunod ka lang sa gusto ko. Be a good dog." natatawang sabi nya she's insane.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang sabi ko saka sya umupo sa harapan ko.

"Malalaman mo rin mamaya---" natigil sya ng biglang may sumisigaw na babae dala sya ng dalawang lalaki, may nakatakip na panyo sa mata at bibig nya.

"Nandito na pala ang isa" ani nya saka nilagay ang dalagang babae sa inuupuan nya

"Itali niyo siya." pagkatali sa babae lumabas na sila liban sa misteryosang babae

"Mag reunion muna kayong dalawa dahil mamaya buong pamilya niyo naman." saka sya lumabas...reunion?

"Sino ka?" ani nya pamilyar ang boses nya

"Ako si Spring, ikaw sino ka?" ani ko habang pinipilit na matanggal ang tali sa kamay ko.

"Spring? Pareho kayo ng pangalan ng ate ko." ani nya para naman ako binuhusan ng malamig na tubig sa naisip ko kaya pinilit kong lumapit sakanya.

"Ako si Amber" natigilan ako dahil sa sinabi nya.

"A—amber?" hindi ko alam pero naluha ako ng binaggit ko ang pangalan nya.

Natagalan akong tanggalin ang tali sa kamay at paa ko pero natanggal ko parin saka iika-ika akong lumakad papalapit sakanya saka, at unti-unting tinggal ang panyo sa mata nya at bibig.

"A—Amber ikaw nga." ani ko kaya nagmulat siya, at kita ko ang paglaglag ng mga luha nya saka nya ako niyakap.

"Ate miss na miss kita" umiiyak na sabi nya "Bakit mo ako iniwan noon?" mahigpit ang yakap nya sa akin na parang pag humiwalay sya ay mawawala ako.

"I'm sorry Amber pero kasi kailangan kong umalis noon...may mga bagay pa kasi na kailangan mong maintindihan." saka ko pinunasan ang luha nya.

"Ate sino ba sila? Bakit nila tayo kinuha?" saka ko lang naalala na kinidnap pala kami. Si Vince?

"Si Vince, kailangan ko siyang mahanap." saka ako nag hanap ng paraan upang makatakas kaso wala akong makita, nasa storage room ata kami puro gamit lang ang nakatambak dito.

"Vince? Sino sya ate?" ani nya habang nakaupo dahil nahihirapan din syang tumayo, pero kahit na nahihirapan kami, lalo na ako dahil tatlong araw akong nakaupo kakayanin ko para mahanap ang anak ko.

"Anak ko sya Amber—" Hindi ko natuloy dahil pumasok ang misteryosang babae kasama ang lalaki na pamilyar siya yung nagpanggap na may anak kami.

"Ikaw na naman?" ani ko pagkalapit niya sa akin malayo ang misteryosang babae saamin na parang pinapanood kami.

"Diba sinabi ko sayo na umalis kana? Bakit ka nagpahuli?" ani nya naguguluhan ako anong sinasabi nya?

"Ano bang—" Bigla nya nalang akong tinulak sa pader at sinakal halos hindi na ako makahinga

"BITAWAN MO ANG ATE KO!" 'Wag Amber...please wag mo silang galitin baka mapahamak ka pa.

The Girl In her Dark Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon