Chapter 46 Video?

44 27 0
                                    

"Rhianne anak ko si Drill bakit ba pinagdadamot mo sya saakin?!" rinig ko sa loob ng banyo habang nirerecord ko ang aking mga narinig.

Si Rhianne lang ang nakita ko dahil nakatalikod ang lalaki na siyang kasusap iya.

"Jake tahimik na kami  at 'wag ka ng mangulo sa amin." ani Rhianne.

"Ano na naman bang plano mo Rhianne? Baka nakakalimutan mong dahil saakin—"

"Tumahimik ka Jake baka may makarinig at masira ang plano natin"  Rhianne. Ano ang pinaplano  nila?

"Natin? Plano mo lang Rhianne dahil hindi na ako susunod sayo...kukunin ko na si Drill" ani sa loob ng lalaki nang marinig kong bubukas ang banyo saka ako umalis at bumalik sa upuan.

"Mommy bakit ang tagal mo?" ani Vince lahat ng tingin nila ay nasa akin.

"Wa—Wala baby, I'm sorry natagalan." saka ko sya pinunasan at doon ko lang napansin na nakaupo na pala sa harap namin si Rhianne.

"What?" ani nya ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya.

"Wala" ani ko. Maya maya nagulat ako ng may biglang nalang umakbay saakin na lalaki.

"Hi, babe nandito ka lang pala" sino to? Bakit parang pamilyar ang boses nya? Why does he know me?

"Sino ka? Bakit mo ako tinawag na babe?" saka ko tinggal ang kamay nya na naka akbay saakin.

"Oh, come on Spring stop pretending. Ako to si Frank remember may nangyari pa nga sa 'tin sa bar diba?" bar? Hindi naman ako pumupunta doon. 

"Hindi talaga kita kilala—" kita ko ang pag tataka sa mga mata nila.

"Siya na ba ang Anak natin? Hi! kiddo what's your name?" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

"Sinasabi ko na nga ba niloloko mo lang kami!" galit na sigaw ni Vincent sasabay ng malakas na pag hampas niya ng lamesa, lahat kami ay nanahimik at pinagmasdan ang galit na si Vincent.

"Hindi totoo ang sinabi nya...hindi ko nga sya kilala maniwala kayo." I depend myself.

"Bakit naman ako maniniwala sayo? Sya ang kalandian mo sa hotel dati. Right?" hotel? Teka naguguluhan ako.

"Hindi naman ako pumupunta sa hotel mag isa diba? ikaw ang pumunta ng hotel kasama si Rhianne" kita kong mas lalong nag liyab sa galit si Vincent.

"Don't throw the blame on me Spring, dahil napanood ko ang video nyo sa hotel." What...what is he talking about? This is a whole lie.

The Girl In her Dark Life Where stories live. Discover now