Chapter 52

30 17 0
                                    

Vince's P.O.V

"Anong kailangan mo?" malamig kong sabi, kita kong pumayat na siya at mahina na ang katawan.
"Yo—you came."

"What do you need? Wag mong sayangin ang oras ko dahil kailangan ko pang bantayan ang tunay kong asawa."

"Dati lang si Spring a—ang si—sinasabihan mo niyan pero ngayon ako na pala a—ang naka—kasayang ng oras mo." Nakangiting sabi niya na parang may naaalala pero bakas parin ang lungkot sa kanya.

"I j—just want to say sorry to the both of you la—lalo na si Spring, I'm sorry dahil a—ako ang na—ging dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay." medyo hirap niyang sabi habang tumutulo ang luha.

"Pa sabi kay Spring I'm sorry sana patawarin niya ako lalo ikaw...siguro ito na rin ang karma ko dahil sinaktan ko kayong pareho at hindi lang kayo marami pa." saka niya pinunasan ang luha niya.

"I have a leukemia at alam kong malapit na akong mawala sa mundo kaya gusto ko sanang humingi sa inyo ng tawad bago manlang ako lumisan. Alam kong marami akong nagawa sa inyong dalawa at kahit na impossibleng patawarin mo agad ako, gusto ko paring hingin ang tawad mo." ani niya saka humagulgul at hinawakan ang kamay ko.

"I—I'm so—sorry" ani niya saka unti unting pumikit ramdam ko din ang paglaglag ng kamay niya.

"Vincent!" biglang sabi ni Ram kasama niya si Drill na umiiyak hanggang nayon.

"Pinabibigay pala ni Rhianne sa inyo ni Spring sana daw basahin niyo" saka niya inabot ang dalawang sobre kaya kinuha ko.

"Sige, kailangan ko na ring umalis." ani ko at tango lang ang sinagot niya kaya umalis na ako at umuwi sa bahay, dumiretso agad ako sa ref at kumuha ng alak saka ako uminom sa may Veranda.

This place is where I am most comfortable. Simula ng umalis si Spring hindi na ako tumatambay sa Veranda, it's been four months pero hindi pa siya nagigising. I feel lonely.

Si Drill kinuha na ng tunay na daddy niya. Rhianne will not lasts long at kahit na ganon siya sa akin childhood friend ko parin siya.

Si Vince naman hindi ako kinakausap, kay Ian lang siya sumama. I felt useless, napakalaki ng sinayang ko, si Spring naman hanggang ngayon hindi pa gumigising I hurt the woman who love me despite of everything. Yes, I still love her; I did everything to forget her kaya ako nakipag relasyon kay Rhianne but that move is very foolish. Hind ko alam na ako pala ang may kasalanan kung bakit nasaktan ng sobra si Spring, I was clouded by anger at the time she said she was pregnant with vince that's why I didn't accept her. I should have eat my pride. Back in our anniversary hindi totoong pabigat si Spring, she knows how to do everything from works and to taking care of a family. I just did that because I was hurt; but I didn't care about her feelings I blame myself for everything, sana naging tapat ako sakaniya at binigyan siya ng pag kakataon para mag paliwanag, but it's too late. D—dapat nandoon ako sakanya ng mga araw na kailangan niya ako pero anong ginawa ko iniwan ko siya. Nag sisisi ako sa lahat ng ginawa ko sakanya sa kanila ni Vince, sana nandoon ako sa tabi niya nung araw na nalaman niyang hindi siya De Villa sana hindi ko siya kinahiya dapat pinag malaki ko siya she deserved to be happy pero kalungkutan ang binigay ko sakanya. Nakaya niyang palakihin ang anak naming ng siya lang, I have a lot of realization sana—sana ako parin ang mahal niya pag gising niya kasi hindi ko kakayanin kung may mahal na siyang iba. I'll do everything to have her again dahil hindi ko siya ibibigay sa iba, she's mine to begin with...just wait Spring babawi ako sainyo.

"Kuya nasaan kaba? Pumunta ka dito sa hospital dahil gising na si Spring kagabi pa." biglang nawala ang antok ko sa sinabi ni Sky g—gising na si Spring, hindi ko na pinatapos si Sky dali dali akong naligo at pumunta sa hospital hindi na ako kumatok dahil sa pagkasabik kong makita si Spring.

"Spring." ani ko sabay yakap sa kanya sabay ng pagtulo ng aking mga luha.

"Vi—Vincent a—anong ginagawa mo dito nasaan si Ian bakit wala pa siya" bumitaw naman agad ako sapag yakap sa kanya, ganto pala ang pakiramdam na mas inunang hanapin ng mahal mo ang iba kesa sayo, ganto ba ang nararamdaman ni Spring? ang sakit?

"Bakit si Ian agad ang hinanap mo? Hindi ba dapat ako?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Nasaan ba si Ian at Vince?"

"I don't care about that asshole, si Vince kasama si Winter."

"Okay, pwede ka ng umalis at puntahan mo na ang asawa mo baka kailangan ka niya—" I didn't let her finish dahil hinalikan ko agad siya sa labi, nakaramdam ako ng tuwa ng gumanti siya pero bigla na lang bumukas ang pinto showing Axel kasama si tita Katherine at tito Jonas na maluha luha.

"I'm sorry to disturb you pero may kailangan kasi kaming pag usapan." Seryosong sabi ni Axel alam ko na ang sasabihin ni Axel dahil nag hire ako ng private imbestigator.

"Okay." tanging nasabi ko hindi parin ako umaalis sa tabi ni Spring.

"Hindi ka lalabas?" tanong ni Spring.

"Hindi, kung dati iniwan kita sa oras na kailangan mo ng kakampi ngayon hindi na at lagi na akong nasa tabi mo sa oras na kailangan mo ako." salaysay ko at kita kong may namuong luha sa mga mata nya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

The Girl In her Dark Life Where stories live. Discover now