Chapter 54

26 16 0
                                    

"Anak tama na iyan at kumain na kayo." ani Mommy nasa Italy kasi kami kasama sila daddy, Amber, Kuya Axel, si Vince at ako. Mahigit limang buwan ng nakalipas simula ng nag usap kami ni Vincent hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil umalis na agad kami habang nasa trabaho siya at ano pang silbi ng paalam naming kung alam ko naman na wala siyang paki. Saka matagal ko ng pangarap na magkaroon ng masayang pamilya kaya ng inalok ako nila mommy na sumama dito sa Italy ay hindi na ako nag dalawang isip.

"Foods, I love foods Lola." sigaw ni Vince kasama si Kuya Axel saka Amber.

"Spring, nahanda mo na ba ang gamit niyo? Isang linggo lang naman tayo doon." Tanong ni Daddy babalik kasi kami ngayon sa Pilipinas dahil may urgent meeting sila Mommy at kailangan kami doon.

"Opo daddy." ani ko "Vince dahan dahan lang" ang kalat kasi niyang kumain.

"Mommy makikita ko po ba si Daddy? Sasama po ba siya sa 'tin pag uwi?" Biglang tanong ni Vince kaya nabulunan ako at kita ko rin ang mga tingin niya saakin.

"Okay ka lang ate?" tanong ni Amber kaya tumango ako at uminom ng tubig.

"A—Ano Vince hindi pa pwede saka ayaw mo bang makita si papa Ian mo?" biglang naman nagliwanag ang muka niya sa sinabi ko.

"Gusto po, pupuntahan po ba natin si papa Ian?" bawal kasing sumama si Ian may importante daw siyang gagawin

"Oo naman, bakit miss mo na ba si Papa Ian mo?"

"Opo!" mabilis at masiglan niyang sagot.

"Axel, 'wag kang mag cellphone sa harap ng pagkain." Ani Daddy lagi kasing nag cecellphone si kuya kapag may pupuntahan kami.

"Sorry po, Dad."

"Yan kasi cellphone ng cellphone puro kalokohan lang naman ang alam." Ani ko.

"Baka magpasalamat ka pa sa akin Spring pag nalaman mo ang ginagawa ko." Ngisi niya na parang may iba sa kanya at ngayon alam ko naman na may pagkabaliw si kuya pero parang iba talaga ngayon. Hindi ko na pinatulan si kuya at naghanda ng umalis.

"Mommy sana makita ko si Daddy kahit sa malayo lang, miss ko na kasi si Daddy." ani Vince nasa kotse na kami papunta sa bahay at mag si-six na ng gabi kaya inaantok na siya.

"I'm sorry anak, hindi ko kayang ibigay ang gusto mo hindi kasi natin pwedeng ipilit ang bagay na hindi na pwede." Ani ko kay Vince na nakatulog na at sumakto namang tumunog ang cellphone ko.

"Ian, napatawag ka?" 

"Spring kailan niyo ako pupuntahan ni Vince?" bakas ang saya sa kanya.

"Sa linggo nalang kasi tatlong araw ang meeting ni Mommy na kailangan kami, bakit miss mo na ba kami?" pabiro kong tanong.

"Oo naman, miss ko na kayo antayin ko kayo at ingat sa byahe."

"Miss ka narin namin."

"Sige na para makapagpahinga na kayo." Nagpaalam nalang ako saka binaba ang telepono matutulog na sa ako ng tumunog ulit ang cellphone ko - unknown number?

"Hello? Sino to?" tanong ko.

"Spring." I-I know that voice, lasing ba siya? Kamusta na kaya siya? Siguro masaya na siya dahil kasama niya na ang mahal niya and I think I made the right decision na lumayo sa kanila sana nga tama ako Vincent.

The Girl In her Dark Life Where stories live. Discover now