CHAPTER 8

22.6K 600 13
                                    

Chapter 8     





Kagat kagat ko ang daliri habang pabalik balik sa aking pwesto. It was already seven in the evening and I was so bothered, I don't know if I'm going. I was bothered on our rendezvous.

"Woy! Kanina ka pa d'yan! Nahihilo na ako kakatingin sa'yo, alam mo ba 'yon?"

Natigilan ako at saka hinarap si Eunice. Ngumuso ako. "Ede 'wag kang tumingin!"

"Paanong hindi? E, nasa harapan kita?"

"Ede tumalikod ka!"

Bumalik ako sa pwesto at nagpabalik balik sa paglalakad habang kagat kagat ulit ang daliri.

Damn it! I don't know but I don't feel okay with the thought of pupunta ako sa hotel ni Ace. Ewan, parang may something na pumipigil sa akin pumunta roon. Kinakabahan din ako. My intuition was telling me to back off.

"Suplada na naman!" rinig kong asik ni Eunice. "Bakit pa kasi ayaw mong siputin? Ikaw lang nag-iisip nang masama, e! Berde ka masyado."

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Hindi ako berde, okay? I'm not just comfortable with the thought that I'm going there, the place where we had that one night stand."

Umupo ako sa sofa, sa tabi ni Eunice. Nagkatitigan kaming dalawa. Kalaunan ay nakita ko ang malalim niyang pag buntong hininga.

"If that's the case, then... be civil. Once you get affected, you're guilty."

Ngumuso ako at tinaasan siya ng kilay. "Bakit naman ako magui-guilty?"

She flipped her hair. "Duh? You carried and gave birth to his child. Alangan!" hinarap niya ako. "Teka, wala ka bang balak sabihin kay Ace ang tungkol sa anak niyo?"

Shocked with what Eunice said, I gulped hard. I don't know. Am I? Am I gonna tell him? Should I? I shook my head.

"N-No. Ayaw ko nga, baka ipagtabuyan niya lang ang anak ko. Malay ba natin kung meron na pala iyong asawa at anak, ede naturingan akong kabit tapos anak sa labas ang anak ko? No. I don't want that." umiling ako at pilit na ngumiti.

Parang may kung anong pumiga sa puso ko habang iniisip iyon. I shouldn't be affected. I shouldn't. Pinilig ko ang ulo nang maramdamang tutulo ang isang butil ng luha sa aking mata.

"When you seduce the guy, 'di ba parang kabit ka na nga no'n?" inosenteng tanong ni Eunice.

My lips parted a bit from what I heard. Really? Anong klaseng kaibigan ito? Ngumuso ako, ramdam kong papatak na talaga ang luha sa aking mata. Akala ko pa naman iche-cheer up niya ako!

"Kaya nga ititigil ko na, 'di ba?" umirap ako.

"Pero ano... sisiputin mo ba siya? Naghihintay na 'yon!"

Bumuntong  hininga ako. Bakit ba kasi kailangang sa hotel niya pa ako papupuntahin? Pwede namang kanina sa office niya lang sabihin kung may sasabihin ba siya o ano!

I shook my head and faced Eunice. "Ayaw ko na. Bahala siya roon, bahala si Daddy, bahala silang lahat. Ayaw ko nang kino-kontrol ako, I'm so full, ayaw ko na! Sawa na ako!" I hissed.

"Kung ayaw niyang pirmahan ang mga dukomento, ede 'wag! Pakialam ko sa kanya?! Isa pa 'to si Daddy, ibibigay ko na ang papeles sa kanya, I don't care about what he says anymore. If ever he would ask his men to kidnap my son, I'd kill them before laying a hand on my baby." I said through gritted teeth.

Naramdaman ko ang paghagod ni Eunice sa aking likod. Ngayon ko lang napansing kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko habang nagsasalita. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang maisip ang mga posibleng mangyari.


Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon