CHAPTER 16

22K 531 27
                                    

Chapter 16 









 

I waited for almost ten minutes. Nakaupo ako sa sofa sa living room, hinihintay si Ace na lumabas. Ang tagal niyang magbihis!

Humalukipkip ako at tiningnan ang mga alak sa aking harapan. Ininom niya ba 'to lahat? Nang siya lang mag-isa? O baka naman...

Kumirot ang puso ko habang iniisip na may kasalo siya sa mga alak na ito. Babae kaya? Most probably. Hindi ko alam kung may kaibigan ba siya, kung meron man, mas kampante ako kung sila ang kainuman niya.

I took a heavy sigh and grabbed the bottle of vodka from the table. I suddenly put it back when I heard the door clicking. It's Ace.

"Nandito ka pa rin," he stated and then messed his hair. I stilled.

Lumapit siya at umupo rin sa sofa saka kumuha ng baso at iyong vodka na pinulot ko kanina. He poured the vodka in the glass.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Ace. I could smell his manly scent mixed with the branded perfume. Sumulyap siya sa akin, ramdam kong may galit siya sa akin ngayon.

"What are you up to?" he asked then sipped on his glass. "Five consecutive days when you're invisible, at ngayon magpapakita ka like nothing happened?"

Napalunok ako. He glanced at me but then he looked away when our eyes met.

"I'm sorry..." iyan lang ang nasabi ko.

Hindi ko alam. Hindi rin ako komportable sa ipinapakita niya ngayong ekspresyon. Para bang ang laki ng kasalanang nagawa ko. I felt uneasy.

"Why are you sorry?" he asked without looking at me. He sipped again on the glass of vodka.

I bit my lower lip. Lumapit ako nang bahagya sa kanya dahilan para mapasulyap siya sa akin. He looked away when I caught him glancing at me.

"Because I didn't show up for five consecutive days after those words I said the last time we talked."

"Yeah, right." tumango-tango siya.

Then it was accompanied by a long, awkward silence. Napansin ko ang paghigpit niya sa hawak na baso, looked like he didn't really like what I did. 

Kung alam mo lang. Bumuntong hininga ako.

"Galit ka ba?"

Lumapit pa ako nang bahagya sa kanya. Nakita ko ang pagtiim ng panga niya bago ilagay ang baso sa lamesa.

He looked at me fiercely. "Why would I?"

My eyes looked down to his chest. He's wearing white v-neck shirt paired with gray sweatpants.  Bakat... ang matipuno niyang dibdib.

"I don't have the rights,"

Naiangat ko ang aking mukha, nagtama ang aming paningin. And I could see something in his eyes. Mixed emotions that couldn't deceive my vision.

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kaliwang kilay. "So, galit ka nga?"

"Tanong mo sa doctor mo." umiwas siya ng tingin.

Napatanga ako sa sinabi niya. He's looking away and avoiding my eyes now. I looked up and thought about what he said.

Kaliwa't kanan ang direksiyon ng mata ko habang pilit iniisip ang sinabi niya. Doctor...

"Sinong doctor?" 

May kakilala akong doctor pero hindi ko alam kung sino sa kanila ang kilala ni Ace.

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon