CHAPTER 28

23.3K 556 2
                                    

Chapter 28


"Mommy...."

Nasa harapan ko ngayon si Asher, abala sa paglalaro ng mga laruang binili ata ni Ace kanina na nakalatag sa asul na mat habang ako naman ay nanonood ng HBO. Nang marinig ang munting tawag ng anak ay napabaling ako rito.

"Yes, baby? What is it?"

Tumayo ako sa sofa saka lumuhod sa mat upang magpantay ang ulo namin.

He forced himself to stand up pero nahihirapan pa rin siya, napangiti ako bago siya tinulungang tumayo nang maayos at hinawakan nang mabuti. He's already 11 months old at ngayon ay nakakalakad na siya pero hindi pa gaano ka-eksperto.

Nabaling ako sa kamay niya nang iwinagayway niya ito bago ngumuso. "Num... num!"

"Oh." Parang hinaplos ang puso ko nang marinig iyon. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya bago kinarga. "My baby's hungry already, hmm?"

Hinalikan ko ang tungki ng ilong nito dahilan upang siya'y mapahagikhik. Tumayo ako at nag-umpisang maglakad nang mapagtanong wala nga pala ako sa condo ko. Nasapo ko ang aking noo at nafu-frustrate na tinanaw ang kwarto ni Ace.

Kailan ba kami makakalabas dito? Don't tell me we're staying here alone for the next two weeks?! Really? He's gone nuts!

Aren't we allowed to go at least shop? And for pete's sake, it's evening already! My son's hungry! Wala ba siyang balak pakainin kami?

Bago pa man masagot ang katanungan sa isip ko, nakita ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Ace at iniluwa siya roon. Nagtama ang mga mata namin.

My heart suddenly skipped a beat. Tila nawalan ako ng panandaliang hininga nang makita ko ang mukha niyang walang mababakas na emosyon.

Malamig lamang niya akong tinapunan ng tingin bago niya binaling ang mata sa main door ng unit. Awkward silence filled us. Pero nabasag lamang ang katahimikan nang marinig ang pagtunog ng pinto at may taong nagsalita sa labas.

"Here's your order, Mr. Walton."

Nagkatinginan kami sa huling pagkakataon ni Ace bago siya humakbang palapit sa pinto at binuksan iyon.

May babae sa labas na may dalang tatlong plastic bags na wari ko'y may lamang pagkain dahil sa logong nakalagay doon.

Ngumiti ang babae kay Ace bago inabot ang tatlong plastic. Inabot naman iyon ni Ace saka may sinabi na hindi ko narinig. Ngumiti naman ang babae bago pa isarado ni Ace ang pinto.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng irita dahil doon. Alam ko namang kailangan iyon sa trabaho ng babae na palaging graceful pero parang ayaw ko lang sa paraan ng pagtitig niya kay Ace!

Bumuga ako ng hangin saka kinalma ang sarili. Nakalapit na pala si Ace sa akin nang hindi ko namamalayan. Walang emosyon ang kanyang mukha nang i-extend niya ang kamay para kuhanin si Asher sa akin kahit dala niya pa ang mga pinaglalagyan ng mga pagkain.

"Uh, mahihirapan ka."

Nakagat ko ang labi. Tumalim ang mata niya sa akin bago ibinalik ang mga kamay.

Tumalikod siya saka naglakad patungong dining table at inilatag ang mga inorder niya. I followed him, though. Nakita ko hindi kalayuan ang isang high chair na bago palang; binili niya ata kanina. Kaya naman doon ko pinaupo ang anak namin.

"Uh, do you have any... baby foods? Uhm.. he's not yet capable of eating these foods," sabi ko nang makitang walang pagkain na pwede pa kay Asher.

Kung hindi ako nagkakamali, these are all italian foods which I'm not really fond of. I mean, I liked the taste of each but I'd prefer french cuisines.

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon