CHAPTER 35

23.5K 446 13
                                    

Chapter 35



Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang umuwi kami sa hotel. Ilang minuto rin akong umiyak at pilit naman akong pinapatahan ni Ace.

I blamed myself for saying those words to my father. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya matapos ko iyong sabihin at halos sumpain ko na ang sarili dahil sa sinabi.

Kinabukasan, maaga kaming bumyahe patungo sa bahay 'kuno' ni Ace na siyang tutuluyan namin. Wala akong imik habang nagbabyahe.

Dumaan kami sa magubat na daan ngunit may kalsada pa rin. Naglalakihang mga puno ang nakita ko at sobrang berde ng paligid. Kahit papaano ay gumaan din ang aking pakiramdam.

I have a hunch that we are in a province. I don't know what province is this. Ayaw ko namang magtanong kay Ace, tila nawalan na ako ng ganang magsalita simula pa kahapon.

"Mommy! Toy!" sigaw ni Asher sabay angat ng laruan niya.

Ngumiti ako at kinuha ang bigay niyang laruan. It was a car. I took a glance outside before gazing my son and playing with him. Si Ace naman ay sumusulyap sa amin habang nagda-drive.

"You like it, baby?" I asked.

"Yes! Hihihihi." humagikhik ang anak ko.

"Oh! Next week is your birthday!" gulat kong sinabi. Sumulyap si Ace sa akin.

"We should celebrate. I'll throw a grand celebration to our son in our new home."

Nag-isip ako. Pero kalaunan ay sumang-ayon nalang din sa suhestiyon niya. Asher will have his first ever birthday. It should be grandiose.

"Yeah. Agreed." I nodded. "After all, he's the Gray's Heir. Should have a grand celebration."

"He's the Walton's Heir also." sabi ni Ace. "The paper's done. Asher's now a Walton. Ikaw din pagkatapos ng kasal natin."

Nagkatinginan kami sa rearview mirror. Bumuntong hininga ako at ibinaling sa anak ang paningin.

"I pity our son, Ace. He has a big responsibility to hold. From our company to your... companies."

Napasinghap ako nang mapagtantong sobrang dami nga pala nilang negosyo at kompanyang pinamamalahaan. It's not just nationwide but worldwide!

"Wala ka bang tiwala sa anak natin?" tanong niya. "Of course, he can handle the companies. Walton yata 'yan."

Umismid ako sa huling sinabi niya. Yabang! Umirap ako.

"Isn't it a great responsibility to him? Poor boy. Well, I trust him. It's just that... he'll be handling Gray and Walton Corporation soon." umiling ako.

"We can make another heir. Problem solved." ngumisi siya.

I glared at him. "Puro ka kalokohan! Hindi madali ang manganak. Palibhasa hanggang pasarap lang kayong mga lalaki!"

"Easy, Avianna. I didn't say it's madali, okay? It's a pure suggestion so that you don't have to worry about their future. They will be handling each of the company."

"Tss." umiwas ako ng tingin. "Saka na siguro..."

Huminto ang sasakyan. I glanced outside. I saw a huge house like a palace. My lips parted in amazement.

"We're here,"

Lumabas si Ace sa kotse at pinagbuksan kami ng pinto. Hindi pa rin mawala ang paghanga ko sa ganda at laki ng bahay. It was like ten times bigger than our white house in the city.

Itinukod ang bahay sa gitna ng mga naglalakihang kahoy. Sobrang laki rin ng gate ngunit walang mas lalaki pa ata sa buong lugar. It's like a private property. Na sa sobrang liblib ay aakalainin mong walang mangangahas na magtayo ng bahay.

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon