CHAPTER 10

23.2K 592 11
                                    

Chapter 10




The next day, I was in my room while looking at the pills, the contraceptive pills Eunice gave me. I'm so nervous while holding a piece.

I was about to take it when someone talked behind me.

"Woy! Nakita ko 'yan." boses ng best friend ko.

Agad kong isinilid sa drawer ang box of pills. Hinarap ko si Eunice at pilit na ngumiti.

"Ang alin?" umiwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagak niyang tawa at hinuli ang paningin ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. "Oh... my... It means... may... nangyari... ulit sa inyo?" dahan dahan ngunit buo ang pagkakasabi ni Eunice.

Nanlaki ang mga mata ko at umiwas ng tingin. Damn it. Was it too obvious? Of course, nakita niya ang pills, stupid.

"W-What are you talking about?" I said while looking away. I bit my lower lip. I'm doomed.

"Sus, lokohin mo lelang mo. Ano? Ha? Hindi mo aaminin?" asik niya.

I bit my lower lip again and faced her. Swear, I now have an epic face. "Eunice kasi..."

"Ano?" tanong agad niya. "Akala ko ba 'Bahala si Ace, bahala si Dad, bahala silang lahat. Ayaw ko na, tama na'. What now? What happened?" she added.

I took a heavy sigh. Wala nga talaga akong maitatago sa kaibigan. Sa tagal ba naman naming magkasama, pati siguro galaw ng bituka ko, alam niya na.

"Eunice kasi..." ngumuso ako. Nanliit ang mga mata niya. "Nadala lang sa bugso ng damdamin."

Ang panliliit ng kanyang mga mata ay napalitan ng malaki at gulat na expression. Unti-unti ay bumalot sa buong silid ang tawa niya. Uminit ang pisngi ko.

"Tang ina! Kailan pa lumalim ang tagalog mo? Haha! Bago 'yan, a." tumawa ulit siya.

Lalo akong napanguso at sinamaan siya ng tingin. "Walang nakakatawa." pikon kong sabi.

Tumahimik naman siya, pero rinig ko pa rin ang maliliit na tawa. She faked a cough and looked at me.

"Seriously, Syden? How? Why? When did it happen? And of course, where?" sunod-sunod niyang tanong.

Uminit ang pisngi ko bago mag-iwas ng tingin. Napapikit ako nang mariin nang maalala ulit ang kahapon. Shit. I should forget that! Ang prangka naman kasi nitong kaibigan ko. Ako tuloy ang nahihiya.

Wow, Syden? Really? Pero no'ng ginawa niyo 'yong milagro, hindi ka manlang nahiya?!

"Y-Yesterday, in his office n-"

"What?! You mean nag-SITO kayo?" gulat niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at hinarap siya. "Sito?"

"Sex In The Office 'yon, gaga!" Nanlaki ang mga mata ko at agad nag-iwas ng tingin. Sito... "Oh? Totoo?" hinuli niya ang paningin ko.

"E-Eunice..." naiilang kong sabi. Ngumisi siya.

"Totoo. Haha! So, anong plano mo ngayon? Bakit naka-dress ka? Napirmahan na ba ang papeles?"

I took a heavy sigh. "That's why I'm going back there-"

"What?! Makikipag-SITO ka ulit?"

Pinandilatan ko agad siya at nilingon ang anak ko sa crib nito.

"No, stupida." asik ko nang maibalik ang paningin sa kanya. "I'm gonna get the papers. Naiwan... ko... kasi... kahapon."

Umiwas ako ng tingin. Uminit ang pisngi ko.

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon