CHAPTER 26

22.1K 573 4
                                    

Chapter 26


I woke up the next morning inside a white room. Sa sobrang liwanag ay tila nanlabo ang paningin ko. I moved my hand to know if I was till alive.

"Syden?" I heard footsteps approaching me. "O my God! You're awake!"

"Hmm? Obvious ba?" nginiwian ko si Eunice.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko saka nalamang nasa hospital bed ako. Agad kong inalala ang mga pangyayari bago ako nahimatay. But when I already remembered, I suddenly moved up!

"Teka. Sa'n ka pupunta?" Eunice asked.

"Kailangan kong makuha ang anak ko, Eunice!"

Pilit kong tinatanggal ang nakasabit sa kaliwang kamay ko, nakakonekta iyon sa dextrose stand sa tabi ng kama. Lumapit si Eunice sa akin saka pinigilan ako.

"Magpahinga ka muna, Syden. Gain more energy first—"

"No! My son needs me now! Kailangan ko siyang makita, Eunice! Naiintindihan mo naman ako, 'di ba? Kailangan kong makuha ang anak ko—"

"Calm down, Syden! Please!" Eunice caressed my face, pilit akong pinapahinahon.

I shook my head. "How can I? Kinuha niya ang anak ko! Kinuha ni Ace ang anak ko, Eunice! Hindi ako mapapanatag kapag naiisip na nasa puder niya ang anak ko!"

"He's at good hands, Syden. He would not hurt Asher, anak niyo 'yon. Huwag kang mag-aalala,"

Umiling ako. "What if, saktan niya si Asher? No! Hindi pwede! Eunice, kailangan ko makuha si Asher! Kailangan ko—"

Tumabingi ang mukha ko nang malakas na dumapo ang palad ni Eunice sa mukha ko. Naramdaman ko agad ang kirot at hapdi na epekto no'n. Nagulat ako at sobrang natigilan.

"Syden, ano ba?! Sabihin mo lang kung nababaliw ka na dahil maraming mental hospital d'yan!" sigaw ni Eunice na nagpatigil sa akin. Napatitig ako sa kaibigan. Umiiyak siya.

"Alam ko namang nasasaktan ka sa nangyari pero huwag ka namang ganito, oh! Huwag mo pilitin 'yong sarili mo kung hindi mo pa kaya. Mahina ka pa! Syden naman!"

Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Parang hinaplos ang puso ko dahil doon. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Eunice nang dahil sa akin at pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko.

"Masakit iyon sayo, alam ko naman iyon. Pero masakit din naman sa akin na makita kang nagkakaganyan! Ano? Ha? Baliw ka na ba? Sabihin mo lang! Kung oo, ipapaubaya ko nalang kay Ace si Asher kaysa tulungan ka!"

"H-Hindi..." napayuko ako, naramdaman ko ang yakap ni Eunice sa akin. "Sorry, Eunice. Sorry,"  my tears fell.

"Shh. I should be the one apologising, if it's not me, Ace would never know. Naging insensitive ako. I'm sorry, Syden."

Then we hugged each other. She loosened up the hug before facing me. She caressed my face, I winced.

"Sorry, napalakas ata. Gigil mo kasi si oks."

Natawa ako at niyakap ulit siya. Nilibot ko ang paningin saka ko pa napagtanto. Kumawala ako sa yakap at hinarap siya.

"Ilang araw na ako rito? At... ano'ng nangyari?"

Nagtama ang paningin namin. Kinuha niya ang silya roon at dinala malapit sa kama.

"Isang araw lang. Nahimatay ka kahapon matapos umalis si Ace dala si Asher, tapos dinala ka namin sa hospital. Wala pang sabi 'yong Doctora, e."

Bumuntong-hininga ako saka tiningnan ang aking mga kamay. Ilang araw na ba? Posible kayang...

"Oh. Andyan na pala si Doctor Leila, e."

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon