CHAPTER 37

22.9K 501 19
                                    

Chapter 37 - This is the last chapter, obviously, next will be the epilogue.📌

I was so devastated and broken for the following days. I still couldn't believe it would turn that way. Sobrang bilis ng oras... at ganoon din kabilis kinuha ang isa sa mahal ko sa buhay. Si Daddy.

Iyon na sana, e! He already allowed me to marry the man I loved, he accepted Ace whole-heartedly and this happened. Wala na akong maihihiling pa pero nangyari ang hindi inaasahan.

For days, I thought it was all a dream-no-it's a nightmare. Pero sinampal ako ng realidad sa oras na makita ang pinakamamahal kong ama na nakahaya sa kulay abong kabaong.

Already eight days when the doctor declared his death, it was my son's birthday. The supposedly happy moment of us turned wicked that fast.

"Condolence, Syden."

Inangat ko ang paningin kay Alysha kasama ang boyfriend nito.  Naging headline sa bawat news and articles ang sudden death ni Daddy.

Maraming nakiramay gaya na lamang ng mga malalaking pamilya sa bansa. The ex president of the republic of the Philippines was also here. Maraming media ang nasa labas. It's so depressing!

Nasa sikat na Cathedral nakaburol ngayon si Daddy plus the news who spread out the whole nation, kaya maraming nakaabang. Ace's men already secured the whole place kaya walang nangangahas na pumasok sa loob maliban na lamang sa mga taong kilala namin.

Tinanguan ko nalang sina Alysha at iminuwestra sa kanila ang upuan para umupo.

Sobrang mugto ng aking mga mata sa walang tigil na iyak for five consecutive days. Buti nga ngayon at nako-control ko na ang mga emosyon ko.

"Magpahinga ka muna, Avianna. Please, you badly need a rest."

Bumuntong hininga lang ako kay Ace. Ilang oras nalang at ihahatid na namin si Daddy sa huling hantungan. Damn. Hindi ko yata kaya!

"I'm good—"

He groaned. Pumungay ang mga mata niya, tila puyat din at kailangan ng pahinga. Umiwas ako ng tingin.

"Sleep, Avianna.  For God's sake you have eight sleepless nights!" he worriedly said.

"What time na ba?" I chose to divert the topic. "And where's Asher?"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Kalaunan ay bumuntong-hininga siya.

"Already dawn. And Asher's sleeping with her nanny." he answered.

Tumango ako at hindi na dinugtungan pa ang sasabihin. I was so tired and broken. Masyado akong nagulat sa biglaang pangyayari sa buhay ko.

Kamakailan lang noong nag-propose si Ace, niligawan niya si Daddy tapos... nawala nang ganoon kabilis ang aking ama.

Tama nga siguro sila.

Ang labis na kasiyahan ay nagdudulot ng mapait at masamang pangyayari.

Bumuhos ulit ang luha ko at hindi ko na napigilan ang paghagulhol. Kaya nang humantong ang kinabukasan, halos wala nang luhang lumabas sa aking mata.

Sobrang naninikip ang aking dibdib lalo na noong makita ang kabaong ng ama na unti-unti nang tinatakpan ng semento.

"Dad!"

For the very first time today, tumulo ang mga luha ko kasabay ng pag hawi ko sa mga taong naglalagay ng semento roon.

My relatives told me to just cremate my father's body but I didn't approve that. No way!

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon