CHAPTER 31

23.6K 522 5
                                    

Chapter 31




"Kailan kayo uuwi?" tanong ko kay Eunice.

Luminga-linga na muna ako bago tumawid sa kabilang side ng kalsada. Nilakad ko lang ang lugar na pupuntahan ko since wala namang parking lot doon. I am meeting someone today.

"Na-extend ang leave ni Ethan recently in two weeks. We'll be staying here for one more week."

"Tagal naman!" ngumuso ako. "You seemed to like being away from us."

Narinig ko ang paghalakhak ni Eunice. I rolled my eyes. "Chill, Syden. Parang isang linggo lang, e. Ikaw ba? Isang linggo na rin simula noong lumipat ka sa place ni Ace, 'di ba?"

Now that she mentioned it, I gasped. Tumingala ako para tingnan ang kalangitan, nag-aagaw ang asul at abong kulay doon. Uulan pa yata. Nagtiim ang bagang ko.

"Yes."

"So? Grabe, ah! Hindi mo na ako ina-update, nakakatampo ka! So, ano na nga? Finally warming up with him?"

Batid kong nakangisi na si Eunice ngayon sa paraan ng pagkakasabi niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. No.

"We're... uh... We're cool." sagot ko.

After that day in the mall, he acted normal again. Naiinis na nga ako. The following days, he only talked to Asher and never acknowledged my presence. Tatapunan lang ako ng tingin then that's it!

I don't really know why he's acting like that. Hindi naman siya ganoon no'ng nag-mall kami. He's acting nice with me but then after that, he's back to his usual snobbish attitude. May pagka-bipolar ang kwago! Kainis!

"Ah? Casual lang, ganoon? No strings attached?"

"Maybe... Hindi naman niya ako pinapansin so..." bumuntong hininga ako. "Sige na. I'll call you back later. I arrived already. So, bye."

"Awe! Sige na nga. Pa-kiss nalang kay baby Asher. Baboo!"

I gulped. Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ng aking jeans. Napahinto ako sa paglalakad nang nasa harap ko na ang café. Nandito na ako.

I was having a hard time deciding if I would be going in or just ignore her and back out. Pero nandito na ako, ngayon pa ba ako aatras? Huminga ako nang malalim kasabay ng pag-angat ng aking paa upang maglakad papasok.

As I entered in, I roamed around. There, I saw her. Naglakad ako palapit sa mesang ino-occupy niya. Umangat ang kaliwang kilay ko nang pasadahan ko siya ng tingin. What the hell?

She's wearing a black loose pants, black hooded jacket, black cap on her head then a shade. Ngumiwi ako.

"Anong klaseng fashion iyan?" nakataas kilay kong sambit dahilan para maiangat niya ang paningin.

Bahagya niyang ibinaba ang shade sa matangos niyang ilong at ngayo'y kitang kita ko ang itim niyang mga matang nakatingin sa akin.

"Namatayan ka ba?" I asked her as I sat down the seat. Ngayo'y magkaharap na kami.

Nakita ko ang pagrolyo ng mga mata niya. "You have no say. This is my fashion, my body, my rules, my life."

Natawa ako pero agad din namang sumeryoso. "Bakit gusto mong makipagkita sa akin? There's a hidden agenda here, I can say." ngumisi ako.

She pouted her pink lips. "No. Pinapunta kita rito kasi..."

"Kasi?"

Our eyes met. She made a roll on her eyes. Parang labag sa kalooban niyang pinapunta ako rito para makipagkita sa kanya. Her eyes went down to my hands, she's suppressing something.

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon