CHAPTER 23

21.2K 520 7
                                    

Chapter 23


Two days later, the pain was still here. It's like a massive bomb exploded in my heart, too much to bear, all you could do was to endure till it's healed. This kind of pain would leave a scar in my heart, isang alaala sa masasakit na salitang binitawan niya.

Ngayon pa lang ako nagmahal nang todo, hindi ko alam na ganito pala kasakit iyon. Panandaliang kasiyahan kapalit ang masakit na katotohanan. Katotohanang hindi niya ako mamahalin sapagkat tingin niya lang sa 'kin ay isang puta, bayaran.

I was one of his whores. That truth is excruciating. We're nothing but fuckbuds. Pilit ko na iyong binubura sa aking isipan pero hindi pa rin nawawala. Sa tuwing inaalala ko ang huling sinabi niya ay tila nanghihina ako, sobrang sakit.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal ang isang tao? Bago mo makamit ang tinatamasang happy ending, dadaan at dadaan ka talaga sa mga pag-subok? Do I really have to be in this situation before getting the happy ending I deserve?

All I could do was to cry and endure the pain. The pain was excruciating. Wala pa akong saktong tulog at kain at halos oras-oras nalang akong umiiyak.  When I looked at my son, it slightly eased the pain.

"Oh please, Syden Avianna Gray! Tumigil ka na nga sa kakangawa mo d'yan, nakakairita na, a! Para kang iniihaw na kambing! Mehehe."

The moment I told Eunice everything, she didn't leave my side. Dito sa unit ko na siya natutulog. She looked so worried about me and comforted me every time. Minsan, inaaliw niya ako at si Asher para lang mawala sa isip ko lahat ng masasakit na salitang sinabi ni Ace.

She even took Asher away from me, rason niya ay magkamukha raw si Asher at si Ace, baka sa tuwing umiiyak ako ay dahil nakikita ko si Ace kay Asher. That was lit.

"Tigil na! Nahahawa na si Asher sa ka-OA-han mo. Tingnan mo, iiyak na!"

Napatitig ako sa mukha ng anak ko. Nakatingin ito sa akin, kumibot kibot ang mga labi na parang maiiyak na nga. Parang may humaplos sa puso ko habang nakatingin sa anak ko.

That's it! Bakit ba ako ngumangawa at umiiyak sa lalaking wala namang pakialam sa akin?! Mahal ko siya pero mas mahal ko ang anak ko! Mas mabuti kung ibubuhos ko na lamang ang buong atensyon at pagmamahal sa anak ko, hindi pa ako  masasaktan nang ganito.

I can live without him.

"Tutunganga ka nalang ba d'yan? Anong oras na? Ibibigay mo pa iyong mga papeles sa Daddy mo. Come on, Syden. Get up!"

Oo nga pala, hindi ko pa naibibigay kay Daddy ang mga dukomento. Ngayon lang na-planuhan na ibigay iyon. That's okay, sawi man ako dahil sa mga papeles na iyan, maisasalba ko naman ang kompanya namin. It's all worth my sacrifices.

"W—"

"Oo na, oo na. Maliligo lang ako, wait kayo d'yan."

Mabilis ang paglalakad ko patungong bathroom, hindi ko na pinagsalita pa si Eunice. I was planning to bathe on  jacuzzi but I was in a hurry so I just had a quick bathe on hot shower.

Naka-puting bathrobe ako matapos maligo. Pinalabas ko muna si Eunice sa kwarto ko para magbihis. Nakabihis na ako't lahat lahat, humarap ako sa salamin.

Napangiwi ako nang makita ang sarili, sobrang mugto ang mga mata at ang lalaki ng eyebags.

Ngumuso ako. I put concealer on below my eyes to conceal those eyebags. Kahit papaano ay napangiti ako pagkatapos.

"Okay na 'yan,"

Lumabas na ako at nakitang nilalaro ni Eunice ang anak ko sa living room. Her gaze went to me.

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon