CHAPTER 29

23.7K 601 13
                                    

Chapter 29



Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ang maliliit na palad na dumadampi sa aking pisngi. Nang maimulat na ang aking mga mata ay si Asher agad ang nakita ko. Panay ang kaway ng palad nito sa aking pisngi na tila ginigising ako.

"Hmm?"

My eyes immediately widened as I remembered that we're at Ace's place.

Wala sa sariling napabangon ako sa kama. Nang sulyapan ang kabilang side ng kama ay nakitang wala na si Ace doon. Ang formation kasi namin kagabi ay: kami ni Ace sa magkabilang gilid ng kama habang pinagigitnaan si Asher.

I glanced at the wall clock above and realized that it's only five o'clock in the morning. Ang aga namang nagising ni Ace? Nagising din siguro si Asher sa paggising niya.

Hinarap ko si Asher at inakay. "Morning, baby" I planted kisses on his cheeks. "Where's your Daddy, hmm?"

"D-Da... dad.."

Kumakaway ang maliliit nitong palad habang dumadampi sa aking mukha.

I giggled and kissed him all over again. Buti nalang at carpeted ang floor kaya roon ko muna siya inilagay since wala pa namang crib dito. Pinaglaro ko siya roon bago pa ako pumunta patungong bathroom.

Nasa pinto palang ay napapapikit na ako sa sobrang bango ng loob. Expensive cologne filled my nose, mixed with his mouthwash's smell.  It's a large space for a bathroom. May jacuzzi, shower and such. Parang nanliit ang banyo ko rito.

I erased all the things running in my mind. Naghilamos ako at nag-ayos. Since wala naman akong toothbrush, I used his mouthwash. I exhaled on my palm, ang bango! So manly.

I finished all stuffs before I went outside the bathroom. Nang makalabas ay nakita ko si Ace na ngayo'y karga na si Asher. Kunot na kunot ang noo niya.

"Where is your mother?"

Namutla ako sa kinatatayuan. Kahit alam kong wala akong ginawang masama, pakiramdam ko meron. Tumulak ako palapit sa gawi nila habang dumadagundong ang puso sa kaba.

"Nag-hilamos lang ako, Ace." sabi ko nang makalapit. Ang kunot niyang noo ay bumaling sa akin. Yumuko ako at suminghap. "I'm sorry,"

Nag-angat ako ng mukha at nagtama ang aming paningin. That pair of brown eyes met my dark ones. Tila nag-uusap ang aming mga mata sa aming titigan.

Ang magulo niyang buhok ay tumatabon sa kanyang makakapal at maiitim na kilay. Ang tangos ng kanyang ilong ay nababagay lamang sa pagkahulma ng perpekto niyang mukha. Ang kanyang panga ay umiigting habang lapat na lapat ang mapupulang labi. Napalunok ako.

"You should've told me na maghihilamos ka. You shouldn't have left our son here alone!" matigas niyang sabi.

Nakagat ko ang labi. "Ilang minuto lang naman, Ace. And... Wala namang nangyaring masama!"

"E, pa'no kung meron?"

"Then, my fault! Sue me! Pero wala namang nangyari, 'di ba?" naiinis na ako. He's so overdramatic and exaggerated.

"Drop the negativity, Ace. Alam ko ang ginagawa ko! You have no say dahil mas matagal ko nang kasama ang anak k—"

"Dahil itinago mo siya sa'kin!" mabagsik na sabi niya, bakas ang galit na may halong sakit sa boses.

Natigilan ako. Hindi kaagad ako nakapagsalita. I kept our son away from him dahil iyon ang alam kong dapat! Dahil iyon ang nararapat! I would not let him recognize my son if he already had a wife and children.

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon