CHAPTER 27

23.1K 538 5
                                    

Chapter 27


"Ano ba, Ace! Paalisin mo na kasi kami rito! Maggagabi na, o!"

I glanced at my wristwatch and realized that it's four in the afternoon already.

Ilang oras na ba kaming nandito? Dalawa? Tatlo? I don't know. Hindi niya kasi binubuksan ang pinto, ang bilis niyang napalitan ng codes! Buwesit!

Nasa harap pa rin ako ng pintuan, karga-karga si Asher, typing some random codes that could possibly open the damn door. Pero ilang oras na, hindi ko pa rin alam ang tamang kombinasyon. Ang dami kasi!

"You're just wasting your time unlocking that door, you can't do it. If I were you, I would just obey Ace Caspian the 7th's order—"

"Damn you!" asik ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang maliliit na palad ni Asher. He lifted up his eyes then our eyes met. My heart skipped a beat on that.

"Oh, Baby, your mouth." he said, shaking his head. "Our son might adapt that words from you,"

Nanliit ang mga mata ko sa tinuran niya. He has a point though, my pride just won't let me agree with him. Damn him! After all that happened, he'd act like nothing?! Walang nangyari?!

My brows furrowed as I looked at him. "Ano ba talaga ang kailangan mo s a'kin? Sabihin mo na dahil nagmamadali ako!"

"I am... mad. So mad at you. Satisfied?" he calmly said.

Napatitig ako sa mga mata niya at namamanghang tinignan siya sa harapan ko. Umismid ako at agad umiwas ng tingin makalipas ang ilang minutong pagtitig sa kanya.

"I'm sorry, okay? Now, pwede na ba akong lumabas?"

"Your sorry isn't enough, you've caused so much that I can't forgive you that easily."

"E, ano'ng gusto mong gawin ko?" tanong ko. "Hindi ko pinagsisihan ang pagtago ko sa anak ko sa 'yo, lalo na dahil... manloloko ka!"

"Manloloko?" umangat ang kaliwang kilay niya. "You mean, a cheater?"

"Yes! At ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng cheater sa airport knowing that you, you're the one who cheated on me! Manwhore!"

Ilang minuto kaming nagkatitigan, sobrang kabog ng dibdib ko habang magkaharap kami. Ang mga mata niya ay puno ng emosyon na hindi ko maipaliwanag, but there's a glimpse of happiness and joy in his eyes.

Tiningnan ko ang anak ko at nakitang mulat na ang mga mata nito. Hinarap ko si Ace bago sinamaan ng tingin.

"Ano? It's late na, pagbuksan mo na kami p—"

"No." tumalikod siya at dumiretso sa living room.

I frowned. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na makita ang katawan niya. Bumuntong-hininga ako at hinarap ulit ang pintuan. Nag-type ulit ako ng code pero wala talaga. I tried a thousand times already pero hindi tugma! Shit!

I lost my hope. I heaved a sigh and diverted my sight to the living room. Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako patungo roon.

Nagulat nalang ako sa sariling kilos. Hinigpitan ko ang hawak sa anak ko, sobrang lakas ng pintig ng aking puso na parang tumakbo ako nang ilang kilometro.

When I reached the living room, I saw Ace there, watching football on the forty-five inches flat-screen TV. Nang maramdaman ang aking presensya, sumulyap siya sa akin at ngumiti nang malapad. Tumirik lang ang mata ko bago lumapit sa gawi niya.

"Wala ka ba talagang planong pauwiin kami, ha?" nakataas-kilay na sambit ko.

Our eyes then met and he gazed back at the TV. "Kanina pa sana kita pinauwi kung may plano ako, 'di ba?" nilingon niya ako, pinagpagan ang kaliwang banda ng sofang inuupuan. "Come here, sit."

Seducing my Baby's Father ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon