Chapter 46

12.6K 485 45
                                    

"Amira..."

I hugged my pillow tighter, not minding Kyana.

"Kumain ka naman please? Kakagaling mo lang sa ospital, gusto mo bang maospital ulit?" She tapped my shoulder, still not minding her.

Wala akong gana sa lahat. I felt really sad, naiinis ako, nagagalit at nasasaktan. Bakit ba hindi nagpapakita si Ozi? I lost count if how many weeks na siyang hindi man lang dumalaw sa akin. I searched for him. Paulit ulit akong bumabalik sa apartment, ampunan, sa bahay niya at sa ospital nila but there's no trace of him. Even Samina doesn't know his whereabouts.

"Amira!!!" Sigaw ni buntis.

"Mamaya na ako kakain."

"Mamaya na ako kakain my ass. Ngayon na." Pinandilatan niya ako ng mata. Padabog akong umupo sa kama. Iniisip ko rin itong buntis baka may mangyari pang masama sa babies niya kapag nagmatigas din ako.

"Hindi ba alam ni Zy kung nasaan ang kaibigan niya? Baka naman nakita niya na siya, sabihan niyo naman ako oh..."

Sunod sunod na namang nagpatakan ang mga luha ko. Kyana just hugged me.

"Bakit niya ba ginagawa ito? He said he loves me, we were about to marry pero bakit hindi siya magpakita?" Iyan ang paulit-ulit ko ng tanong. Ngunit wala sa amin ang nakakaalam.

"Miss na miss ko na siya Kyana... Pakisabi naman puntahan niya ako, kahit saglit lang?"

I sobbed.

Kahit saglit lang maramdaman ko lang na walang nagbago, na mahal niya pa rin ako, na hindi niya ako iiwan sadyang mayroon lang siyang importanteng inaayos. I need that kind of assurance. I've been waiting for it, simula nang magising ako pero ni anino o boses man ni Ozi ay hindi ko makita't marinig.

"Amira... I'm sorry I really don't have any idea kung nasaan siya ngayon. But don't worry hinahanap na rin siya ni Zyrone, okay?" She wiped my tears.

Tumango nalang ako ng tipid at nagsimulang kumain. I forced myself to swallow the food.

Habang kumakain ay nakaisip naman ako ng idea. Paano kung pupuntahan ko siya sa Italy o sa Spain at America baka nandoon lang siya? May mga kompanya siya sa bansang iyan.

Ginanahan ako bigla sa pagkain. Agad ko itong inubos na ipinagtaka ni Kyana.

"Alam kong may pinaplano ka na naman. Ano 'yan?"

"Kailangan ko lang sigurong mag unwind." I said.

"That's good. Kapag sinabing unwind, unwind lang ha? Baka bumalik ka ulit sa paghahanap mababatukan na talaga kitang babae ka." I smiled a little.

"Amira! Hindi ko talaga gusto 'yang iniisip mo. Sasamahan kita."

"Hey! You're pregnant bawal sayo ang ma-stress."

"Mas stress ako sayo!"

"Chill, Mom. I swear I'll take care. Atsaka kailangan mo ring magpahinga, you're pregnant for twins'sake."

Tumingin ako sa malaki niyang umbok na tiyan. I touched it. At ngumiti ulit, Akira and Kyara are having twin brothers. Kahapon lang nalaman ang gender ng babies nila. I was so happy and at the same time hindi ko mapigilang maluha.

I'm sorry little angel...

"Sige na nga, nag-aalala lang naman ako sayo."

"Okay lang ako."

I'm really not. Madaming nangyari sa ilang buwan. There was this time I was so depressed. Blaming myself because hindi dapat nangyari ang nangyari kung mas nag-ingat pa ako noon.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon