Chapter 21

13.9K 545 53
                                    

"Eh kung sakalin kaya kita?" I said para pagtakpan ang pagkabigla ko sa sinabi niya. Gosh, what made him think I'd love to have kids and he'll be the father?

"Come on, choke me Mommy!" He exaggeratedly said. Oh god. I almost throttled him literally kung hindi lang siya umiwas.

Tumawa lang naman siya. Bwisit.

"Joke lang, ang amazona mo. Battered bodyguard ata ang napasukan kong trabaho, walang araw na hindi mo ako hinahampas." He pouted.

"Puro ka kasi kalokohan."

"Okay na, oo na. Sungit talaga. Tara na nga," he pulled me again out of the car. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya.

"Ano ba talaga ang gagawin natin dito?"

"Wawaldasin ko pera mo." Walang kwenta niya na namang sagot.

"Ano ako ATM mo?"

"May sweldo pa ako sayo remember?" I just rolled my eyes.

Pagkapasok namin sa mall ay dumeretso agad kami sa supermarket, I don't really have an idea why he buys a lot of groceries here as well as veggies, fruits and meats.

"Sigurado ka ba dito sa mga binili mo? Mauubos mo ba 'to? Parang pang limang buwan na sa dami." I commented, to be honest, napakadami nga ang binili niya. He even asked for help sa mga nagwowork dito.

"Hindi 'to para sa akin. Ang dami mo namang reklamo, tulungan mo nalang ako, mi amor." I raised my brow.

"If this isn't what you call help then I don't know what is." Turo ko sa tulak kong push carts na may lamang mga kahon ng fresh milks, and biscuits na utos niyang kunin ko. Punong-puno iyon.

Parang magbibigay nga ata siya ng relief goods eh.

Hindi niya naman sabihin sa akin kung para saan naman talaga ito.

But I'm enjoying buying here in supermarket. It's been a long time since the last time I went here to buy ingredients for my dishes and sweet treats like cookies, cupcakes and cakes. Kasama ko pa noon si Mommy. Ugh, her again.

Nakasunod nalang ako kay Ozi.

"Sa labas nalang tayo bumili ng ibang mga prutas." He scratched his neck while holding a bunch of bananas.

Damn, why is he still so hot just by doing that? Para tuloy siyang model ng... saging.

"Why not here?"

"Ang mamahal. Tignan mo 'tong sampung piraso ng saging, 400 pesos na eh singkwenta lang sa labas."

Oh.

"It's up to you. It's your money after all." I shrugged. Medyo malaki rin naman talaga ang offer kong pera para sa magiging hired boyfriend ko for a month.

Angelo didn't accept the money but he agreed to be my acting boyfriend kaya lang hindi dumating ang leche.

Itong si Ozi, of course, expected na, na hindi niya kayang tanggihan ang pera. But it's okay, though.

"Sige na nga dito nalang, ayaw naman kitang mainitan pa at pumasok sa palengke."

"Hey, I don't mind. Hindi naman ako maarte." Ilang beses na rin akong nakapunta sa wet market, kung tutuusin nga ay mas magandang doon nalang bumili ng ibang mga ingredients para sa restaurant dahil mas fresh. But we have suppliers naman from different countries and different dealers din dito sa Pilipinas.

"Ako nalang mag-iinarte para sayo, kaya dito nalang."

"Ikaw ang bahala."

After hours here in supermarket ay natapos na rin kami sa wakas. Hindi ko nga lang alam kung kakasya pa ang pinamili namin sa sasakyan ko.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now