Chapter 30

14.8K 657 92
                                    


"What did you tell them? Bakit ganon mga mukha nila?"

"Kay gandang lalaki naman ng nobyo niyo, Señorita Amira!" Bumaling ang tingin ko doon sa sumigaw. And then they all cheered again.

I looked at Ozi na ngiting ngiti pa rin. "Bagay na bagay po sa magandang binibining nag-ngangalang Amira Suarez!" Sigaw niya pabalik, at nagsigawan ulit ang mga trabahador.

"Sinabi mo bang boyfriend kita?!" He nodded while smiling wide. Oh god. This man, napakadaldal! We're just pretending, we're not in a real relationship. Ang kulit.

"Ah hindi po, he's my body--" Ozi covers my mouth to refrain me from talking. Hinampas ko naman ang kamay niya but he didn't let go.

"Sige po. Alis na po kami!" Paalam niya sa kanila at hinila ako sa kung saan. That's when he removed his hand on my mouth.

"Why did you do that?!"

"Bakit hindi?"

"I hate you."

"I missed you." My heart skipped a beat.

I crossed my arms on my chest at blanko akong tumingin sa kanya para pagtakpan ang namumuong kiliti sa puso ko dahil sa sinabi niya. He missed me.

"And what the heck are you doing here?" Pagtataray ko, tinaasan ko rin siya ng isang kilay.

"Hindi ba dapat nandoon ako sa kung nasaan ka?" He held his chin.

"But you were not with me for three days at hindi ka nagpaalam man lang sa akin, ni ho ni hi, wala, tapos susulpot ka bigla!"

"Sorry na nga eh. Ano nagka-emergency lang." I guess my expression softened upon hearing that.

"Why? What happened?"

"May inayos lang ako. Akala ko ba nag-request ka sa site ng Taste The Kings' Secrets , edi dapat may balita ka na." Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

"Wait. How did you know about that?" I bit my lip. Did he stalk me? Ang alam ko lang ay si Ali at ako lang ang nakakaalam ng tungkol doon.

Tumawa siya ng malakas. He's weird!

"Wengya naman oh. Akala ko pa naman alam mo na."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naiinis kong tanong, nakakainis siya eh. Ang gulo niya.

"Wala tara na nga. Gutom na ako, baka pwedeng pakainin mo naman ako? Wala rin akong pahinga. Ang layo-layo nang pinuntahan ko!"

He held my hand at hinila ako. I've missed him too.

"Ay oo nga pala may ibibigay ako sayo." I just watched him get something on his backpack. Mukhang prepared pa nga ang loko sa pagpunta rito. Maybe Dad told him that I'm here at pinasunod niya na agad si Ozi dito?

Inabot niya sa akin ang isang hindi kalakihan na blue velvet box.

Kinuha ko iyon sa kanya. "What is this?"

"Eh kung buksan mo kaya nang malaman mo ano?" Hinampas ko sa kanya 'yong hawak ko. Ozi is really back. Tatlong araw ko ring hindi narinig ang nakakainis niyang mga sagot. Tsk.

I opened the box at halos lumuwa na ang mata ko dahil sa nakikita ko. Just by the sight of this jewelry, parang nagkakahalaga ito ng milyon. Kinuha ko iyon mula sa box, it was a bracelet. A white gold bracelet with diamonds all over. At may mga mas malaking limang blue diamonds, but not that big, tamang tama lang iyon. After every five smaller diamonds nandoon nakalagay ang blue diamond. Ang ganda. It looks really beautiful, classy and elegant, just my taste. Saan niya naman nakuha ito? Mukha talagang mamahalin o totoo pero si Ozi makakabili ng bracelet na may real diamonds? For sure this one's fake, but it's still beautiful I can't deny that.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now