Chapter 28

13.6K 487 29
                                    

After how many minutes lumapag ang chopper na lulan kami sa malawak na open area sa vineyard.

Hindi kalayuan ay ang mansyon at sa kabilang banda ay ang ekta-ektaryang taniman ng mga ubas.

I removed the headphone, tinulungan din akong makababa ni Jeremi.

"Thanks." I said. Sila na rin ang bahalang nagdala ng bag ko.

Lumayo lang ako ng kaunti mula sa chopper.

I stopped and roamed my eyes around the area. I am back in La Suarez Vineyard and Winery.

Gusto kong pumikit dahil ang presko ng hangin kahit na magtatanghali na rin. The strands of my hair were swayed by the wind coming from the chopper's main rotor hanggang sa huminto ang pag-ikot nito.

I've missed Elyu. The air, the green surrounding, the busy people picking some grapes, the sound of the harvesting machines and of course the loud excited voice of the man who's now approaching me.

"Amira!" He shouted again while running towards me and waving his hand. Sa likod niya ay sina Nanay Celi at Tatay Fred.

Naglakad na rin ako papalapit at sumalubong sa kanya. We hugged each other.

"Ang tagal mong hindi bumalik, akala ko nakalimutan mo na ang gwapong tulad ko!" I playfully punched his chest. Mahangin pa rin!

"Woah, that's hard. You're working out?" Umirap siya. Medyo patpatin pa kasi ito dati eh. Iyon ang pang-aasar ko sa kanya. Pero noong last na pumunta naman ako rito ay lean and fit na siya, it's just that mas naging maganda ang katawan nito ngayon.

Niyakap niya ulit ako. "Namiss kita!"

"Hindi nga halata. I've missed you too, Diego."

Diego is my chilhood friend here in San Fernando, La Union. I was four years old when Daddy and Mom brought me here for the first time. We stayed here for like a year before going back to Manila para mag-aral ako. Nandito pa rin sila Abuelo and Abuela noon, they're Dad's parents and they stayed here in Elyu. And Diego is the only son of Nanay Celi and Tatay Fred, the caretakers of the mansion.

Bata palang ako si Diego na ang madalas kong nakakalaro at nakakasama, bukod doon sa mga anak ng mga mayayamang haciendero at haciendera sa kabilang bayan. He's just two years older than me, I treated him like a kuya and he treats me like his little sister. We are really close, obviously. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Tuwing pumupunta ako rito siya lagi ang sumusundo sa akin, nangunguna sa yakap.

Nang makalapit sila Nanay at Tatay sa akin ay niyakap at binati ko sila ganon din ang ginawa nila. They're like Daddy's age.

"Kamusta, hija?" Nanay Celi asked. I smiled.

"Ayos lang naman po. Kayo po?"

"Mabuti naman din, Amira. Nako na-miss kita." Nanay hugged me again and kissed my head. She's like Nanay Kas, sweet, loving and caring. Namana rin ni Diego ang ugali ng kanyang ina.

"Ay nako, sa loob na tayo mag-usap usap. Nang sabihin ng Daddy mo na mapaparito ka ng isang linggo ay lubos talaga kaming natutuwa." Sabi ni Tatay Fred.

"Ako rin po. Biglaan nga lang po ito eh. Pero masaya din po akong makapunta ulit dito."

We're now walking papunta sa mansyon. Nakapatong ang kamay ni Diego sa balikat ko, palibhasa ang tangkad kaya ginawa na namang patungan ang balikat ko.

"Ako po talaga ang sadya niya, Nay, Tay kaya naparito siya."

Tinaggal ko ang mabigat niyang braso.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon